NAGPASABOG si Trae Young ng 25 points at nagdagdag ng 18 assists upang tulungan ang Atlanta Hawks na ilista ang manipis na 103-100 laban sa makulit na Philadelphia 76ers sa Game 4 ng kanilang Eastern Conference playoff series sa State Farm Arena, sa Atlanta.
Si Young ay kumana ng eight of 26 mula sa floor at pumukol ng tatlong three pointers, at umani ng maraming tulong mula sa kanyang suporting cast at lahat ng limang Hawks starters ay nagtapos ng double figures para ipantay ang best-of-seven series sa 2-2.
Ang Game five ay sa Miyerkules ng gabi. Bogdan Bogdanovic umiskor ng 22 points, John Collins nagtapos ng 14 points, 12 rebounds, at Clint Capela nag-ambag ng 12 points at 13 rebounds para sa Atlanta.
Tobias Harris 20 points at Joel Embiid nagtala ng 17 points at 21 rebounds para sa top-seeded 76ers, kung saan na outscored 54-38 sa second half. Simmons nag deliver ng 11 points,12 rebounds, nine assists at two blocks.
Embiid, may average na 35.3 points,10.3 rebounds at 4.7 assists sa first three games ng series, ay naglaro na may punit ang kanyang kanang lateral meniscus.
Young at Bogdanovic ay may pinagsamang seven threes para sa Hawks na napabuti ang kanilang scoring beyond the arc. Ang Atlanta ay nakapagtala ng apat na turnovers kumpara sa 12 ng 76ers.
The post Trae Young kuminang sa panalo ng Hawks kontra Sixers appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: