Facebook

12 vaccination sites, exclusive para sa mga seniors — Isko

MAY 12 vaccination sites ang itinakda ni Manila Mayor Isko Moreno na eksklusibo lamang sa mga senior citizens na hindi pa natuturukan ng first dose ng kanilang anti-COVID-19 vaccine, sa pagpapatuloy ng bakunahan sa lungsod sa kabila ng malakas na buhos ng ulan.

Kasabay nito ay nanawagan din si Moreno sa mga nakababatang miyembro ng pamilya na may mga seniors na hindi pa nababakunahan na tulungan ang mga ito na makapagrehistro sa online system at pagkatapos ay samahan ito sa mga itinakdang vaccination sites para sa kanila, kapag may available ng bakuna.

Pinangalanan ng alkalde sa kanyang live broadcast at social media account ang itinakdang sites para sa mga seniors na binubuo ng dalawang public school sa bawat isa sa anim na distrito ng lungsod. Umapela din si Moreno sa mga hindi seniors na huwag ng magtangkang pumunta at pumila sa vaccination sites, dahil aniya alam ng sistema kung sino ang kabilang sa A2 category o senior citizens.

Sa halip ay iminungkahi ni Moreno na magpunta na lamang sa iba pang vaccination sites na tumatanggap ng ng hindi senior citizens.

Binansagan naman ni Moreno bilang ‘good problem’ ang napaulat na insidente sa San Andres Complex kung saan ang mga hindi napasama sa cut-off ay tumangging umalis at nakipagsapalaran pa rin.

Ito, ayon kay Moreno ay isang indikasyon na ang mga residente ng Maynila ay gusto talagang magpabakuna, lalo na ngayon mayroon ng kaso ng mas nakamamatay na Delta variant sa bansa.

Kaugnay pa ng nasabing insidente sa San Andres Complex, sinabi ni Moreno na nabakunahan din ang lahat ng hindi umabot sa cut-off dahil nagpadala ng karagdagang bakuna sa nasabing lugar.

Nagpahayag ng kasiyahan si Moreno sa mga residente ng lungsod dahil sa positibong pagtugon nito sa vaccination campaign na aktibong inilunsad nila ni Vice Mayor Honey Lacuna simula pa noong Enero matapos na ilunsad noong Bisperas ng Bagong Taon ang online registration system para sa gustong magpabakuna ng libre.

Hanggng alas-8 ng gabi noong July 20, iniulat ni Manila Health Department chief Dr. Arnold ‘Poks’ Pangan ang bagong record na 44,077 vaccines na naiturok sa loob ng isang araw.

Sinabi pa ni Pangan na ang kabuuang bakuna na naiturok na sa mga residente ay umabot na sa 1,063,934. Sa nasabing bilang 683,796 dito ang first dose.

Tiniyak ni Moreno sa mga residente na hindi kayang pahintuin ng malakas na ulan o pista opisyal ang mass vaccination program ng pamahalaang lungsod lalo na kung may available na bakuna. (ANDI GARCIA)

The post 12 vaccination sites, exclusive para sa mga seniors — Isko appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
12 vaccination sites, exclusive para sa mga seniors — Isko 12 vaccination sites, exclusive para sa mga seniors — Isko Reviewed by misfitgympal on Hulyo 21, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.