Facebook

2 bata nalunod patay nang tumalon sa ilog

CAUAYAN CITY – Dalawang batang magkamag-anak ang namatay habang nakaligtas ang isa pa nang tumalon sa ilog at malunod sa Disabungan river sa Disusuan, San Mariano, Isabela

Kinilala ang nakaligtas sa pagkalunod na si Elsa Baga-in, 14 anyos; habang ang binawian ng buhay ay sina Linlin Panuncio, 10; at isa pang kamag-anak na 8-anyos.

Inihayag ni Barangay Kapitan Reynaldo Guttierez ng Barangay Disusuan na umalis ang mga magulang ni Panuncio upang magtungo sa simbahan.

Pinagsabihan, aniya, ang mga bata na manatili sa kanilang bahay ngunit pagbalik ay wala nang buhay ang anak.

Ayon kay Guttierez, habang papauwi ang magsasakang si Edmund Palason ay nakita nito ang tatlong batang nalulunod at nailigtas nito si Baga-in.

Hindi, aniya, nagawang mailigtas ang dalawa pang bata dahil sa mabilis na tinangay ng agos ng tubig na may lalim na 16-20 metro.

Gustong-gusto maliligo ng mga kabataan sa nabanggit na ilog dahil napakagandang tingnan, mistulang isang swimming pool.

The post 2 bata nalunod patay nang tumalon sa ilog appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
2 bata nalunod patay nang tumalon sa ilog 2 bata nalunod patay nang tumalon sa ilog Reviewed by misfitgympal on Hulyo 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.