Facebook

Mag-ina ‘inutusan’ ng Diyos na gumawa ng pagtataguan para sa ‘3 araw na kadiliman’

SA isang panaginip, nagpakita umano sa batang si Clark ang Diyos at sinabihan silang gumawa ng bunker o tirahan sa ilalim ng lupa para paghandaan ang “tatlong araw na kadiliman.”

Naghukay sa bakuran ang mag-inang Charity Enot at Clark sa Jasaan, Misamis Oriental.

Nasa anim na metro na ang laki ng hukay at lalim na limang talampakan. Pero kulang pa raw ito dahil nais nina Charity na laliman pa at lakihan ang bunker para makapagsama sila ng maraming tao.

Ayon kay Clark, sinabihan siya ng Diyos sa panaginip na magkakaroon ng tatlong araw na kadiliman at plague o salot kaya dapat silang maghanda na.

Upang mapondohan ang ginawa nilang bunker, ipinost nila ito sa social media upang makahingi ng donasyon.

Sinabi ni Charity na nakatatanggap naman sila ng mga tulong mula sa mga netizen.

Nagsimula narin mag-imbak ng pagkain ang mag-ina at tinakpan nila ang bintana bilang bahagi ng paghahanda.

The post Mag-ina ‘inutusan’ ng Diyos na gumawa ng pagtataguan para sa ‘3 araw na kadiliman’ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mag-ina ‘inutusan’ ng Diyos na gumawa ng pagtataguan para sa ‘3 araw na kadiliman’ Mag-ina ‘inutusan’ ng Diyos na gumawa ng pagtataguan para sa ‘3 araw na kadiliman’ Reviewed by misfitgympal on Hulyo 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.