Facebook

Caretaker tinodas ng riding in tandem

PATAY ang isang caretaker ng condo unit nang barilin sa ulo ng riding in tandem sa Ermita, Maynila, Lunes ng hapon.

Sa report ng Manila Police District-Homicide Section, kinilala ang biktima na si Markey Mahad Alih, 36 anyos, stay-in caregiver ng Unit 1175, 2nd flr, Plaza Tower , Guerrero St., Ermita at may address na Quiapo, Maynila.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente 3:40 ng hapon sa kahabaan ng Guerrero St., malapit sa kanto ng Arquiza St, Ermita.

Bumibili ng bottled water ang biktima sa Aqua Clemente’s Purified Drinking Water nang dumating ang isang motorsiklo.

Nagsilbing look out ang isa at ang gunman ay naglakad patungo sa biktima at walang sabi-sabing binaril ito sa ulo, nagresulta ng agaran nitong pagkamatay.

Sakay ng NMAX na kulay itim ang mga salarin at kapwa nakasuot ng itim na jacket, sweater at helmet. (Jocelyn Domenden)

The post Caretaker tinodas ng riding in tandem appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Caretaker tinodas ng riding in tandem Caretaker tinodas ng riding in tandem Reviewed by misfitgympal on Hulyo 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.