Facebook

Lending collector pinagbabaril-patay

NAGA CITY – Patay ang isang kolektor ng lending company nang pagbabarilin sa Tinambac Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Reymark Sergio, 26 anyos, ng Dugcal Camaligan, Camarines Sur .

Nangyari ang insidente sa Barangay Bolao Balite 10:45 ng umaga nitong Lunes. Binabaybay ng biktima ang daan mula sa Barangay Cawaynan patungo sa Tinambac Proper nang pagbabarilin ng dalawang lalaki na nagresulta sa agad nitong kamatayan.

Ayon sa ulat ng PNP Tinambac, nawawala ang sling bag ng biktima na pinaniniwalaang tinangay ng mga salarin na kaagad tumakas. Aabot sa P10,000 ang laman ng bag. Tinitingnan ang motibong hold up.

Nakuha sa pinagyarihan ng krimen ang limang basyo ng bala at magazine.

The post Lending collector pinagbabaril-patay appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Lending collector pinagbabaril-patay Lending collector pinagbabaril-patay Reviewed by misfitgympal on Hulyo 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.