Facebook

Gilas Pilipinas sasabak sa Jordan tourney

SASABAK ang Philippine men’s national team sa King Abdullah Cup sa Jordan sa July 25.

Ang tournament, na tatakbo hanggang August 3, ay makakatulong sa preparasyon ng Gilas Pilipinas para sa FIBA Asia Cup 2021.

Ang paligsahan ay punong abala ang Jordan Basketball Federation na naghahanda rin para sa kanilang pagsabak sa Indonesia.

Maliban sa Jordan at ng Pilipinas, ay tatlo pang ibang bansa ang nagpahayag na lalahok;Saudi Arabia,Egypt at Tunesia.

Ang Gilas Pilipinas ay muling gagabayan ng program director at head coach Tab Baldwin kasama sina Jong Uichico, Boyet Fernandez,Sandy Arespacochaga, at Sandro Soriano ang deputy.

Ang team ay kasalukuyang nasa Inspire Sports Academy sa Calamba,Laguna para sa training camp.

Nanatili sa team na sumabak sa Olympic Qualifying Tournament sa Belgrade, Serbia ay sina RJ Abarrientos, Justine Baltazar,SJ Belangel,Geo Chiu, Isaac Go,Jordan Heading,Ange Kouname, William Navarro, Mike Nieto,Carl Tamayo at Dwight Ramos.

Muling sumama sa pool mula sa injury ay sina Dave Ildefonso at 2019 Gilas Special Draftees Matt Nieto,Ally Bulanadi, at Rey Suerte. kabilang rin sa pool sina Thirdy Ravena pati na rin si Kenmark Carino, Jaydee Tungcab at Tzaddy Rangel.

Labing lima lang sa 19 players sa pool ang bibiyahe patungong Jordan.

Ang FIBA Asia Cup ay gaganapin mula August 17 to 29 sa Jakarta,Indonesia.

The post Gilas Pilipinas sasabak sa Jordan tourney appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Gilas Pilipinas sasabak sa Jordan tourney Gilas Pilipinas sasabak sa Jordan tourney Reviewed by misfitgympal on Hulyo 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.