Facebook

PVL: Sta. Lucia ibinaon ang PLDT

BACARRA, Ilocos Norte — Ibinaon ng Sta Lucia ang PLDT, 25-18,25-19,25-21, para sa kanilang unang tagumpay sa Premier Volleyball League Open Conference sa PCV Socio-Civic and Cultural Center.

Bumawi ang Lady Realtors sa pagkatalo mula sa defending champion Creamline sa opening day, habang nanateling winless ang Power Hitters sa dalawang laban.

Sinabi ng opisyal na kinumpuni ang tumulong bubong dahilan para maantala ang laro, pero ang malakas na ulan ang naging dahilan sa pagdulas ng playing area, na natigil ng 30 minuto na ang Sta Lucia ay abanse, 20-15, sa second set.

Naagaw ng PLDT ang momentum sa pagpatuloy ng laro, ng si Ely Soyud ay umiskor ng kill para tapyasin ang deficit sa 18-20.

Umiskor si Dell Palomata ng back-to-back quick attack para ibalik sa Sta Lucia ang bentahi para sa 22-18 lead.

MJ Phillips pinamunuan ang opensa ng Sta Lucia sa tinipang 14 points at five kill blocks.
Middle blockers Palomata at Mika Reyes umiskor ng 12 at 11 markers, ayon sa pagkakasunod.

Aiza Maizo-Pontillas tumipa ng 10 points, all from attacks.

Jonah Sabete nagdagdag ng nine points,10 digs at 10 excellent receptions, habang libero Bang Pineda ay nag-ambag ng 19 digs at 11 receptions.

Isa Molde umiskor ng 11 points at 10 excellent receptions para sa PLDT, habang si Soyud at Jorelle Singh nag-ambag ng tig- siyam na puntos.

The post PVL: Sta. Lucia ibinaon ang PLDT appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PVL: Sta. Lucia ibinaon ang PLDT PVL: Sta. Lucia ibinaon ang PLDT Reviewed by misfitgympal on Hulyo 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.