Facebook

BASILAN 3-0 NA SA MINDA LEG NG VISMIN CUP

NAGTALA ng kasaysayan sa Chooks-to-Go VisMin Pilipinas Super Cup ang Jumbo Plastic-Basilan nang dominahin ang Kapatagan, 118-84, kamakalawa ng gabi para sa maagang kapit sa liderato sa Mindanao leg ng kauna-unahang professional league sa Katimugan sa Pagadian City Gymnasium sa Zamboanga del Sur.

Nalagpasan ng Basilan ang pinakamalaking puntos na naunang naitala ng MisOr sa 111 may dalawang araw ang nakalilipas at ang 34 puntos na bentahe ang ikalawang pinakamalaking agwat mula nang maitala ng MJAS Zenith Talisay ang 38 puntos na panalo laban sa Tubigon, 104-66, sa Visayas leg.

Mula sa 13 puntos na kalamangan sa first half, umarya ang Peace Riders sa 30 puntos na bentahe, 60-30, mula sa 19-2 run sa unang apat na minute ng third period. Pinangunahan ni Hesed Gabo ang ratsada ng Basilan sa naiskor na 14 puntos mula sa 5-of-5 shot sa field at 3-of-3 sa free throw.

Nakopo ng Basilan ang ikatlong sunod na panalo para makisosyo sa Clarins a liderato.
Naitala naman ng Petra Cement-Roxas ang ikalawang sunod na panalo nang pabagsakin ang Iligan, 84-79.

Galing sa makapigil-hiningang 71-69 panalo mula sa buzzer-beating layup ni Lester Reyes laban sa JPS Zamboanga City, maagang nadiktahan ng Roxas ang momentum tungo sa 17 puntos na bentahe sa final period.

Nagawang makadikit ng Iligan, tampok ang krusyal basket ni Joel Lee Yu, 77-79, may 1:29 ang nalalabi sa laro, ngunit sapat na kumpiyansa nina Reyes at Leo Najorda para mailayo ang iskor tungo sa panalo para sa 2-02 karta.

Nanguna sa Roxas si captain James Castro na may 17 puntos, limang rebounds, at talong assist.

Sa ikatlong laro, nakabawi ang JPS Zamboanga nang gapiin ang MisOr, 85-75.
“After our loss yesterday, Jerwin talked to the team to lift their spirits up,” pahayag ni JPS Zamboanga head coach Tony Pardo, patungkol sa gahiblang kabiguan sa Roxas mula sa buzzer-beating shot.

Hataw si Gerwin Gaco sa naiskor na 24 puntos, habang kumana si Gabby Espinas ng
14 puntos at 11 rebounds.(Danny Simon)

The post BASILAN 3-0 NA SA MINDA LEG NG VISMIN CUP appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
BASILAN 3-0 NA SA MINDA LEG NG VISMIN CUP BASILAN 3-0 NA SA MINDA LEG NG VISMIN CUP Reviewed by misfitgympal on Hulyo 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.