Facebook

Drive-thru vaccination, itatatag sa Maynila — Isko

MAGTATATAG ang kabisera ng bansa ng drive-thru vaccination system upang ma-accommodate ang mga motorista at public utility vehicle drivers na mas kombinyente sa drive-thru kaysa pumunta sa mga itinakdang vaccination sites.

Nabatid na inutos na ni Manila Mayor Isko Moreno na linisin na ang lahat ng plano para maipatupad na ang paglalagay ng drive-thru vaccination site sa lalong madaling panahon at kapag available na uli ang first dose allotment ng pamahalaang lungsod .

Samantala ay sinabi ni Moreno bilang paghahanda sa paglobo ng mga kaso ng Delta variant na napagdesisyunan ay nila ni Vice Mayor Honey Lacuna ang bumili ng high-flow oxygen upang maiwasan ang intubation sa mga pasyenteng mauuwi sa severe o critical cases ng COVID-19.

Ayon sa alkalde ay naka-order na sila ng 750 tangke kung saan ang bawat isa ay naglalaman ng 50 liters ng oxygen, ito ay maliban pa sa regular orders para sa COVID at non-COVID na mga pasyente sa six city-run hospitals.

“The additional order of tanks is equivalent to 37,500 liters of oxygen. We are using the incidents taking place in other parts of the world. We are ready pero sana di magamit,” sabi ni Moreno.

Inanunsyo rin ni Moreno na ang pamahalaang lungsod ay bumili ng 5,521 Remdesivir at 1,140 Tocilizumab, na parehong mahal. Ang nasabing mga gamot ay ginagamit sa mga pasyenteng may severe o critical COVID-19.

Samantala, iniulat ni Manila Health Department (MHD) chief Dr. Arnold ‘Poks’’ Pangan sa alkalde na ang kabuuang bilang ng bakuna na naiturok na sa mga residente ng Maynila hanggang alas-6 ng gabi noong July 19 ay 1,019, 618.

Ayon kay Pangan, ang kabuuang bilang ng naturukan ng first dose ay 663, 649, habang ang naturukan naman ng kanilang second dose ay umabot na sa 355,969.

Ang bilang na ito ay inaasahang dadami pa dahil sa pagpapatuloy ng vaccination para sa first at second dose habang sinusulat ang balitang ito.

Umapela naman ang alkalde sa lahat ng mga residente na maging disiplinado, ito ay kaugnay ng inulat na insidenteng nangyari sa San Andres Complex kung saan ang ilang mga hindi nakasama sa cut-off ay nagpumilit pa ring pumasok.

Ayon sa alkalde ay maraming vaccination sites kung saan makakapunta ang mga residente. Ito ay binubuo ng 18 schools at apat na malls. (ANDI GARCIA)

The post Drive-thru vaccination, itatatag sa Maynila — Isko appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Drive-thru vaccination, itatatag sa Maynila — Isko Drive-thru vaccination, itatatag sa Maynila — Isko Reviewed by misfitgympal on Hulyo 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.