PINURI at binigyang diin ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga accomplishments o mga nagawa ng Duterte administration na siyang posibleng maging laman ng huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 26.
“Babanggitin niya po ‘yung mga priority measures… Of course, ‘yung accomplishments ng ating Pangulo for the last five years, ‘yung mga ipinangako niya noon na naisakatuparan na po,” sabi ni Go sa turnover ng pambansang pamahalaan sa karagdagag financial support sa Southern Philippines Medical Center sa Davao City.
Ayon sa senador, ang mga ordinaryong Filipino ang siyang tunay na nakakita at nakaramdam ng mga pagbabago na naisakatuparan ng Duterte administration.
Dahil dito, marapat lamang na ang mga ito ang hayaang magdesisyon o humusga sa mga naisakatuparang pangako ng Pangulo na nagbigay ng positibong pagbabago sa buhay ng mga Filipino.
“Let the people be the judge. Sila na po ang humusga kung natupad ba. ‘Yung unang SONA niya nabanggit niya po itong kampanya laban sa korapsyon sa gobyerno, kampanya laban sa kriminalidad, kampanya laban sa iligal na droga.”
“So tuluy-tuloy naman po ito bagama’t mahirap talagang tuluyang ma-eradicate ang korapsyon… pero sinusubukan naman po ng ating mahal na Pangulo… ng gobyernong ito. Let the people be the judge,” ani Go.
Binanggit ni Go ang mga hindi matatawarang tagumpay ng Duterte administration na nagpalakas sa pagsisikap nitong mabigyan ng komportableng buhay ang mga Filipino, partikular na ang agresiboong giyera ng gobyerno laban sa kriminalidad at iligal na droga.
“Maglakad po kayo ngayon sa gabi kung nakakalakad na po kayo na safe po ang inyong mga anak at mayroon kayong peace of mind, eh, kayo na po ang humusga,” anang senador..
Samantala, sinabi ni Go na ang paglalaan ng pondo sa susunod na taon ay nakapokus kung paaano makakamit ng mga Filipino o malalagpasan ng bansa ang pandemya.
“Hindi pa po tapos ang pandemya at inaasahan ko po uunahin ng ating Pangulo sa ngayon kung paano malampasan ang krisis, lalung lalo na po sa preparasyon ng budget.”
“Sa amin sa legislative, priority pa rin itong COVID response, economic recovery at ang tulong sa mga kababayan nating nawalan ng kabuhayan… bibigyan ng priority itong pagbalik ng sigla ng ating ekonomiya pero hindi po mangyayari ‘yan kung hindi po natin matapos itong pandemyang ito,” sabi ni Go.
Idiiin ng senador na ipagpapatuloy ng gobyerno ang pagbalanse sa kalusugan at economic interests ng mga Pinoy.
“Babalansehin po ni Pangulong Duterte ang kanyang prayoridad in the next 11 months and I’m sure babanggitin niya po ‘yung mga nagawa niya, mga kabutihang nagawa para sa ating bayan, at ‘yung gagawin pa niya… Babanggitin rin po niya ‘yung unfinished business niya sa kanyang administrasyon,” ani Go.
Ang “unfinished business” ng Pangulo kaugnay sa paglaban sa illegal drugs at katiwalian, ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, ang posibleng nag-impluwensiya kay PDU30 na magdesisyong tumakbong vice president sa 2022 polls.
The post GO: LEGASIYA NI PDU30 ILALATAG SA FINAL SONA appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: