TODAS sa operasyon ng pulisya ang dalawang bigtime drug traffickers na nakuhanan P30.6 milyong halaga ng cocaine sa Cebu City noong Huwebes ng gabi, Hulyo 8.
Sa ulat ni PNP-Drug Enforcement Group (PNP-DEG) director P/Brig. Gen. Remus Medina, kinilala ang dalawang napatay na sina alyas “Kerlou” at “Ryan” na umano’y nanlaban sa operating team sa Barangay Mambaling, Cebu City 8:30 ng gabi.
Nasamsam sa operasyon ang 4.5 kilo ng cocaine, isang cal. 45 pistol na puno ng mga bala, isang AR9 rifle at isang kulay pulang Toyota Vios na ginagamit ng mga ito sa transaksyon ng droga.
Pinaiimbestigahan na ni PNP Chief, Gen. Guillermo Eleazar, ang sindikatong kinabibilangan ng dalawang napatay na drug traffickers.(Mark Obleada)
The post 2 tulak tigok sa P30.6m cocaine appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: