SANTIAGO CITY, Isabela – Isang padre de pamilya ang nagtangkang patayin ang apat na anak sa pamamagitan ng paglason bago ito nagpakamatay sa Barangay Abra, Isabela.
Itinago sa pangalan ang nagpakamatay naama na si Mulong, 39 anyos, magsasaka, residente sa nasabing barangay.
Sa ulat, Huwebes ng gabi (Hulyo 8) nang ipunin ng ama ang kanyang apat na anak na may edad 5 hanggang 14 sa loob ng kanilang bahay at pilit na pinaiinom ng juice na hinaluan umano nito ng lason sa daga.
Pero lingid sa kaalaman ng ama, nakita siya ng panganay na anak habang nagtitimpla kung kaya’t hindi nila ito ininom hanggang sa matabig ng ama at matapon sa sahig.
Agad na tumakas ang panganay na anak para humingi ng tulong. Subali’t hindi makapasok ang mga rumespondeng opisyal ng barangay matapos kabitan ni Mulong ng live wire ang kanilang pintuan upang walang makapasok.
Kasunod nito, nakita na lamang ang katawan ng ama na nakabitin sa kanilang kisame bago magmadaling araw ng Biyernes.
Napag-alaman na posibleng ang pagkakaroon ng ibang lalaki ng kanyang misis na OFW ang nagbunsod kay Mulong para magpakamatay at tangkaing lasunin ang mga anak.
The post MISIS NA OFW MAY KABIT?: MISTER TINANGKA LASUNIN ANG 4 ANAK BAGO NAGBIGTI appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: