Facebook

Ayuda ni Cayetano

MULA ngayon, tatlong buwan nalang at matatapos na ang hulaan kung sino-sino ang mga tatakbo bilang pangulo, pangalang pangulo, at mga senador ng bansa.

Oo! Sa Oktubre ay pipila na sa Comelec ang mga kandidato para magsumite ng kanilang certificate of candidacy (CoC).

Pansin nyo, ilang lingo narin ang mga banatan, siraan, at batuhan ng putik sa pagitan ng mga nagbabalak tumakbo sa Mayo 2022 elections. Hindi pa kampanya ‘yan ha? Nandyan mismong si Pangulong Rody Duterte ay binakbak ng kanyang kapartidong si Pacman. Nakisakay narin si dating Senador Trillanes at ina-kusahan na naman ang pangulo pati na si Senador Bong Go ng mga akusasyong plunder o pandarambong. Actually, maririndi ka narin sa ingay pulitika, kahit wala pa ang kampanya.

Ang sabi nga ni dating Speaker Alan Peter Cayetano, walang maidudulot na mabuti ang mga bangayan sa pagitan ng mga kandidato lalo na dahil nasa pandemya parin ang Pilipinas. Marami ang nagugutom, marami ang wala paring trabaho, at marami pa ang hindi nakakaahon mula sa kawalan na dulot g COVID-19. Kaya nga imbes na makisali sa mga siraan, minabuti nalang nitong Cayetano na i-focus ang kanyang atensyon sa pagtulong sa kapwa. Ayos!

Kung tutuusin, hindi pa nga sigurado itong si Cayetano kung tatakbong pangulo eh. Ang dinig natin, sa October pa ito magde-desisyon kung anong posisyon ang kanyang tatakbuhan sa 2022. Pero tingnan nyo naman, mahigit 5,000 na ang nakatanggap ng ‘Sampung Libong Pag-asa’ o P10K ayuda ni Cayetano at ng kanyang mga kaalyadong ‘BTS’ (Balik sa Tamang Serbisyo) sa kongreso. Malawakan na nga ang inabot ng P10K ayuda dahil kalat na sa buong bansa ang mga benepisyaryo nito. Layon kasi ni Cayetano at ng kanyang grupo na matanto ng mga kongresista, senador at ng gobyerno na kailangan ng mga tao ngayon ang P10K ayuda bilang pang-ahon sa kanilang sitwasyon. Kaya nararapat na ito ay maisabatas o masali manlang sa Bayanihan 3.

Pero sa halip na banatan ang kamara dahil sa kawalang aksyon sa P10K Ayuda Bill, dinagdagan pa ni Cayetano ang kanyang tulong sa mga tao. Inilunsad ng kanyang grupo ang isa na namang proyekto na makakatulong sa ating maliliit na mga kababayan sa buong bansa. Ito ay ang pagbibigay ng P3,500 sa may 100,000 na sari-sari stores sa buong bansa bilang dagdag puhunan sa kanilang pagtitinda. Galing!

Nagkaroon na ito ng soft-launching sa Baguio City, Dagupan City, Olongapo City, at maging sa Guiguinto at Calumpit sa Bulacan kungsaan daan-daang sari-sari stores ang nakinabang. Ayon nga kay Nanay Avelina ng Dagupan City, isa sa mga nakatanggap ng P3,500, malaking tulong ito sa kanyang tindahan na pilit nyang sinusustine ang paninda ngayong pandemya. Sabi nga nya, yung kanyang tindahan ang kanila ring naging source ng makakain dahil sila na mismo ang kumokunsumo sa noodles, sardinas, toyo, bigas, at iba pa nyang paninda dahil nagkasakit ang kanyang asawa ngayong pandemya.

Bukod dito, iniikot din at binabalikan ni Cayetano ang mga grupo ng magsasaka at mangingisda na dati nang benepisyaryo ng kanyang PTK o Programang Presyo Trabaho Kita at muli nya itong inaabutan ng panibagong tulong pati na ang barangay health workers na mga pangunahing medical frontliners sa mga barangay. Kaya nga dalawang mayor na sa Central Luzon, sina San Fernando City Mayor Edwin Santiago at Tarlac City Mayor Christie Angeles, ang nagpahayag ng suporta kung tatakbo man si Cayetano bilang pangulo. Maging si Manay Gina De Venecia ay nanawagan sa mga taga- Pangsinan na suportahan si Cayetano kung ano mang posisyon ang tatakbuhan nito dahil sa kabutihan ng puso nito sa ngalan ng pagseserbisyo.

Exciting na ang nangyayari sa bansa. Ngayon pa lang matuto na tayong kilatisin ang ating mga susunod na lider. Hindi na sapat ngayon na kilala at sikat ka lang. Hindi narin pupuwede na puro plano lang. Dapat may kabalikat na aksyon ngayon pa lang. Mismo!

The post Ayuda ni Cayetano appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Ayuda ni Cayetano Ayuda ni Cayetano Reviewed by misfitgympal on Hulyo 11, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.