INAASAHANG nasa 16 million doses ng Covid-19 vaccine ang nakatakdang ideliver sa bansa ngayong buwan ng Hulyo.
Kinumpirma ito ni Cabinet Secretary Karlo Nograles kung saan higit 3 million na aniya ng COVID-19 vaccines ang dumating sa mga nagdaang araw.
Ayon kay Nograles, sa katapusan ng buwan nasa 32 o 33 million vaccine doses na ang natanggap ng Pilipinas simula noong first delivery noong Pebrero 28, 2021.
Ayon sa opisyal, as of July 9 mayroon ng higit 20 million vaccine ang dumating sa bansa, at kararating lamang ng Sputnik V.
Sa kabuuang bilang, higit 10.4 million doses ang binili ng gobyerno, seven million mula sa COVAX facility, mahigit dalawang milyon din mula bilateral donations,habang ang iba ay mga initial deliveries ng LGU at private sector-procured doses.
Ang latest batch ng vaccine na dumating sa bansa noong Sabado ay ang 37,800 doses ng Sputnik V vaccine at noong Biyernes nasa 132,200 doses naman ang naideliver.
Mahigit dalawang milyon doses naman ng AstraZeneca vaccine ang dumating mula sa COVAX facility, habang nasa isang milyon doses naman ang ibinigay ng Japan.
Kabilang sa mga supplies na inaasahang darating ngayong buwan ay ang mga vaccine mula sa Johnson & Johnson mula “sharing agreement sa United States”, COVAX, Moderna, Pfizer, at Sinovac.
Dagdag pa ni Nograles sa buwan ng Agosto nasa 14 million doses pa ng vaccine ang nakatakdang darating sa bansa.
The post 16-M doses ng Covid-19 vaccines darating sa bansa ngayong Hulyo appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: