NAKAPAGTALA pa ng 5,916 na karagdagang kaso ng COVID-19 ang Department of Health (DOH) nitong Linggo, Hulyo 11.
Samantala ay mayroon namang naitalang 6,127 na gumaling at 105 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.4% (49,701) ang aktibong kaso, 94.9% (1,397,403) na ang gumaling, at 1.76% (25,921) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong July 9, 2021 habang mayroong 3 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 3 labs na ito ay humigit kumulang 0.7% sa lahat ng samples na naitest at 0.5% sa lahat ng positibong mga indibidwal. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)
The post Covid update: 5,916 bagong kaso; 6,127 gumaling; 105 nasawi appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: