NAIPADALA na sa United States of America (USA) ang black box ng bumagsak na C-130.
Ayon kay Lt. Col Maynard Mariano, spokesperson ng Philippine Air Force, sa Balitaan sa Maynila, aabot ng isang buwan ang gagawing analysis sa flight data recorder o black box ng bumagsak na aircraft.
Kaya naman aniya huwag muna mag-speculate sa mga nakikita na videos sa social media dahil lahat ng posibleng anggulo ay tinitignan na sa patuloy na isinasagawang imbestigasyon.
Habang hinihintay na maibalik sa Pilipinas ang black box o flight data recordings, ang ginagawang parallel efforts ngayon ng PAF ay ang pagsasama-sama sa mga bahagi o parte ng bumagsak na eroplano.
Ayon sa PAF spox, naisakay na sa isang barko ng Phil. Navy ang mga parte ng C-130 at dinala sa Mactan airbase kung saan ito ire-reconstruct.
“Pagdating sa Mactan, we will reconstruct the aircarft, we will put the aircraft together as much as we can and then we will reconstruct po the events, by doing this, is makikita rin po natin kung ano ba yung pangyayaring naganap sa eroplano once we have piece together all of these small parts into one big aircraft,” pahayag pa ni Mariano.
Umaasa si Mariano na magagawa nila ito at umaasa rin na matatapos ang reconstruction at imbestigasyon sa sandaling ang data ng black box ay dumating na sa bansa.
“Imemerge po natin ito dun sa existing investigation natin kasama na rin po yung interview natin sa mga eye witness, mga video na lumabas sa social media,” dagdag pa ni Mariano.
Lahat aniya ng ito ay isasama sa imbestigasyon. (Jocelyn Domenden)
The post Black box ng bumagsak na C-130 aircraft ipinadala na sa Amerika appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: