BUBUSISIIN ng Philippine National Police (PNP) ang mga itinakdang rules ng Korte Suprema upang mapag-aralan at isama sa kanilang panuntunan ang paggamit ng body worn cameras (BCWs).
Ayon kay PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar, ang Directorate for Operations (DO) and the Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) ang siyang naatasan na gumawa ng rekumendasyon sa kung sinu-sino ang bubuo sa Technical Working Group (TWG).
Sinabi ni Eleazar na inatasan na rin ang TWG na bumalangkas ng mga module na gagamitin sa pagsasanay gayundin sa mga seminar program ukol sa legal na aspeto sa pagpapagamit ng BWCs sa mga pulis na tumanggap na ng kanilang yunit noong isang buwan.
Tiniyak ni Eleazar na ang panuntunan na pinaghirapan at pinaglaanan ng mahabang oras ng ating mga Mahistrado ay isa sa mga magiging instrumento upang gawing normal ang konsepto ng transparency at accountability.
“Magiging epektibo ang SC Rules sa paggamit ng Body-Worn Cameras sa pagpapatupad ng warrant matapos mailathala sa Official Gazette o di kaya’y sa alinmang pahayagan,” ani Eleazar.
Binigyan diin ni Eleazar na ito’y pagpapatunay na walang itinatago ang PNP sa pagpapatupad ng kanilang mandatong panatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa ating bansa.
Magugunita na nitong Hulyo 9, nagpalabas ang Supreme Court En Banc ng resolusyon kabilang na ang mga panuntunan sa paggamit ng Body-Worn Cameras sa pagpapatupad ng Warrants.
Ang resolusyon ay nakabase sa kahilingan ng PNP sa High Tribunal sa pamamagitan nina Secretary of the Interior and Local Government (SILG) Eduardo Año at Secretary of Justice Menardo Guevarra.
Nakasaad sa SC Rules ang partikular na probisyon mula sa pagpapalabas ng mga arrest at search warrant ng mga korte hanggang sa pagsisilbi na nito ng mga pulis. (Mark Obleada)
The post PNP pag-aaralan panuntunan sa paggamit ng body cams appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: