Opisyal nang pinasinayaan nitong July 23 ang ikalawang Malasakit Center sa Ilocos Norte na bahagi ng marubdob na adhikain ni Senator Christopher “Bong” Go para sa kalidad na health care, laan sa lahat ng Filipino lalo na ang mahihirap na sektor sa ating bansa.
Ang Malasakit Center na ipinatayo sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center sa Batac City, Ilocos Norte nitong nakaraang Biyernes ang siyang ika-130 kabuuang bilang ng center sa buong bansa
Sa Region I ay ito ang pang-5 Malasakit Center, na ang unang mga center ay katatagpuan sa Governor Roque B. Ablan Sr. Memorial Hospital, Laoag City; Gabriela Silang General Hospital, Vigan City, Ilocos Sur; Region I Medical Center, Dagupan City; at Ilocos Training and Regional Medical Center sa San Fernando City, La Union.
Si Go na siyang Chair of the Senate Committee on Health ay nagsaad na maraming mga Filipinong mahihirap o naninirahan sa mga liblib na lugar ang hinde nakapagpapagamot kaya naaapektuhan ang kalidad ng kanilang pamumuhay.
Bunsod nito ay nagbabala si Go sa mga nag-aantala o nagbabale-wala sa pangangailangang medikal at ang mga dumadanas ng mataas na bayarin sa ospital ay hinimok nito na magtungo sa Malasakit Center para makatanggap ng
medical assistance mula sa gobyerno.
“Hindi pumipili ang Malasakit Center. Basta Pilipino ka, qualified ka. Wala nang dahilan para hindi kayo matulungan, lalung-lalo na kung poor o indigent patient ka. Pakiusap sa hospital staff, ‘wag niyong pababayaan ang mga mahihirap nating kababayan, ‘yung helpless, hopeless at walang matakbuhan sa panahong ito,” pahayag ni Go.
Ang Malasakit Center ay one-stop shop para sa medical assistance mula sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno tulad ng Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Philippine Health Insurance Corporation at Philippine Charity Sweepstakes Office.
Para sa paniniyak sa ikapagkakaroon ng kalidad at komprehensibong medical care sa murang halaga ay inakdaan ni Go sa Senate ang Republic Act No. 11463 o ang Malasakit Centers Act of 2019.
Ang nasabing batas ay nagbibigay mandato sa lahat ng mga ospital na pinangangasiwaan ng DOH dagdag pa ang Philippine General Hospital para magtayo ng kanilang sariling Malasakit Center. Ang ibang ospital ay maaari ring magtayo ng kanilang Malasakit Centers na kailangang magawa ng mga ito ang mga panuntunan o criteria na naaayon sa batas para masustinehan ang operasyon.
“Kung hindi sapat ang tulong ng mga ahensya, may iniwang pondo ang Office of the President para maging ‘zero balance’ ang billing niyo at wala na kayong babayaran sa ospital. Ngayon, kung may pasyente na hindi kayang gamutin diyan, pwede natin kayong dalhin dito sa Maynila at ako na po ang sasagot sa gastusin niyo,” pagtitiyak ni Go.
Kasunod sa pagkumpirma ng DOH hinggil sa local transmissions ng Delta variant ay inihayag ni Go na ang Duterte Administration ay gumagawa na ng hakbang upang matiyak na ang mga ospital at health facilities ay makatugon sa mga pangangailangan para sa posibilidad sa agarang pagsipa ng mga virus.
Hinimok nito ang publiko na manatiling alerto para sa extra precautionary measures kahit fully vaccinated upang maiwasan ang mga variant. Aniya, ang Delta variant ay 40% to 60% higit na mabilis makapanghawa.
“Nagpadala na ang gobyerno ng karagdagang life-saving medicine at equipment sa mga high-surge areas. Patuloy po nitong ginagawa ang lahat para balansehin ang economic at public health needs ng bansa pero, siyempre, pinakaimportante pa rin sa amin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buhay at kalusugan ng bawat Pilipino. Hindi natin kakayanin muli kung tumaas ang bilang ng mga kaso. Ayaw nating bumagsak ang ating health care system at may naghihingalo na pasyente sa labas ng ospital. Kailangan namin ang kooperasyon at disiplina ng bawat Pilipino para hindi kumalat ang nakakabahalang variant na ito,” paliwanag ni Go..
“Matapos magpulong ng Pangulo, Health Secretary Francisco Duque at (PhilHealth) chief Atty. Dante Gierran ay gumawa na ang PhilHealth ng mga hakbang nitong nakaraang linggo para mapabilis ang proseso sa pagbabayad. Importante na mabayaran agad ang mga ospital para tuloy-tuloy ang serbisyo, may pambayad ito sa mga empleyado at may pangdagdag na kama. Gayunpaman, nakikiusap ako sa mga ospital na iwasan ang misrepresentations at false claims dahil nagpapabagal ito sa proseso. Dapat handa tayong lahat sakaling tumaas ang bilang ng mga kaso,” pagpupunto ni Go.
Matapos ang seremonya, ang mga kawani ni Go ay namahagi ng mga pagkain, food packs, vitamins, masks at face shields sa kabuuang 1,043 frontline medical workers at 70 indigent patients.
Namahagi rin ng bagong pares ng sapatos sa mga piling medical frontliners, ang iba naman ay nabigyan ng mga bisekleta at computer tablets naman sa iba para magamit ng kanilang mga anak na nagsisipag-aral. Ang DSWD ay namahagi naman ng financial assistance sa mga indigent patient at 590 rank-and-file hospital employees, kasama na ang mga janitor at security guards.
“Nandito ako sa ospital ngayon dahil nanganak ang misis ko. Pinanganak siya na premature kaya nasa intensive care unit siya ngayon. Masaya at nagpapasalamat kami dahil may Malasakit Center na dito. Mabilis na ang paglakad namin ng mga papeles at hindi na kami pabalik-balik dahil nasa isang building na ang lahat. Maraming, maraming salamat sa mahal na Pangulong Duterte at Senator Bong Go sa mga tulong na ibinigay niyo sa amin sa araw na ito. Marami po kayong natutulungan dito sa Ilocos Norte,” pahayag ni Jonathan Carino, 31.
Pinasalamatan naman ni Go ang pagseserbisyo ng mga opisyal para sa kanilang mga constituent na kinabibilangan nina Senator Imee Marcos, Secretary Michael Lloyd Dino ng Office of the Presidential Assistant for the Visayas, Assistant Secretary Girlie Veloso ng Office of the President, Governor Matthew Manotoc, Mayor Albert Chua at Medical Chief Dra. Maria Otayza.
Sa pagsusulong ng ekonomiya, si Go na siyang Vice Chair ng Senate Finance Committee ay nagkaloob ng suporta sa iba’t ibang infrastructure project ng Ilocos Norte such tulad sa pagpapasemento ng mga daanan sa Bangui, Currimao, Nueva Era, at Pagudpud; ang pagpapagawa ng river control system sa Bangui; at ang rehabilitation and reconstruction ng nga kalsada sa Manila North Road ng Pagudpud at iba pa.
The post 2nd MALASAKIT CENTER SA ILOCOS NORTE BINUKSAN NA appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: