Facebook

Kampanya kontra-krimen… bigo!

SAAN patutungo ang kampanya laban sa kriminalidad at droga sa lalawigan ng CALABARZON? Kabiguan kaya? Ito marahil ang malaking problema para sa kauupong Region 4A PNP Director, PBG Eliseo DC Cruz?

Ngunit kung matutumbok lamang ang ugat kung bakit mataas at di mapigilan ang pagdami ng kriminalidad kaakibat ng bentahan ng droga ay magiging napakasimple lamang nito para kay General.

Unang-unang,ang dapat sugpuin ni General Cruz ay ang operasyon ng ilegal na pasugal sa mga pangunahing siyudad at bayan ng CALABARZON, at may katiyakan na napagtagumpayan na nitong igupo ang 80 porsiyento ng krimen at mga drug-related crime.

Speaking of illegal gambling, kung hindi pa naiiligaw ng ilang nagpapakilalang intelhencia kolektor ang heneral ay hindi malayong alam na nito kung alin ang mga siyudad at munisipalidad na dapat nitong lansagin ang organisadong operasyon ng mga ilegal na pasugalan.

Ang mga pasugalang ito ay front lamang ng bentahan ng droga, karamihan sa mga operator ng bawal na sugal lalo na ng Small Town Lottery (STL) o jueteng maintainer ay mga high profile din na drug personalities.

Sa paramihan ng gambling con drug operator sa area ni General Cruz ay wala nang uuna sa siyudad ng Tanauan sa probinsya ng Batangas, kung saan ay namamayani ang operasyon ng mga beteranang gambling at drug operator na sina Ms. Anabel ng Pantay na Matanda, Ms. Lilian ng Brgy. Sambat, Ms. Donna ng Brgy. Pantay na Bata at Pantay na Matanda.

Ang iba pang hayag na illegal drug financier ngunit nag-aanyong gambling operator ay sina alias Mayor Benir, alias Konsehal Angel, Ablao at Melchor ng Brgy. Darasa, Kap. Mario ng Brgy. Pantay na Bata, Jr. Biscocho, Lito ng Putuhan, ng Brgy. 7, at Konsehal Perez ng Poblacion, Ocampo ng Brgy. Bagbag, Emil, Ramil, Aldrin , Terio, Angke at Lawin ng Brgy. Pantay na Bata at Pantay na Matanda, Rowel, Berania ng Brgy. Trapiche, Engke, Cancio, Dama at Dexter ng Brgy.Ulango, pawang ng nabanggit ding lungsod.

Kaya naman kung idadaos na ang halalan ay tiyak na pupulutin na sa kangkungan si incumbent Tanauan City Mayor Agelina “Sweet” Halili. Wala na ang dati ay mainit na pagtanggap ng kanyang mga constituent sa lady mayor.

Natural naman, susuportahan ang mayora ng mga gambling operator at financier ng kalakalan ng droga sa kanyang siyudad?

Lumilitaw sa pagbunbunyag mismo ni Pangulong Digong na isa ang ex-mayor Antonio Halili sa itinuturing na “Narco-Politician”sa Tanauan City. Tama ba ang sumbong na ito sa atin kaibigang Jun Osias?

Hindi naman nakapagtatakang kahit na matagal nang namamayagpag ang operasyon ng sugal at droga ng mga nabanggit na iligalista sa Tanauan City ay hindi masupil ng hepe ng pulisya ng nasabing lungsod.

Ang dahilan pala ay may lingguhang “parating” sa ilang mga heneral at colonel ang mga nabanggit na iligalista, ngunit nakatitiyak naman ang SIKRETA na di pa noon kasama sa blue book ng mga ito si General Cruz.

Ngunit kwidaw lang General, baka dumating sa punto na ipangongolekta na din ang iyong pangalan ng mga intelhencia kolektor kung di agarang maaksyunan ang reklamo laban sa iligal na sugal at droga sa nasabing siyudad?

Kaya naman pala tuloy pa rin at di masawata ang pajueteng nina Banog at Lito ng bayan ng Malvar, Wally, Jun at Lito ng Sto Tomas City, Timmy ng Mabini, Bauan at San Pascual, Zalding Konti at Bedung ng bayan ng Taysan.

Pasok din sa listahan ng mga tong kolektor ang dalawang notorious na drug lord at jueteng operator ng bayan ng Padre Garcia, Batangas na sina alias Kap Tisoy at Kap Idol.

Sina Kap Tisoy at Kap Idol ay operator din ng dalawang burikian ng petroleum product sa Brgy. Bawi at Brgy. San Felipe ng naturang bayan. Tagapamahala ng mga ito sa paihian ay sina alias RR at alias Roy.

Sina alias Kap Tisoy at Kap Idol ay lider din ng kinatatakutang Tisoy, Idol at Flores Kidnap- killer Gun for hire Group.

Sa harap ng hilaw na suporta ng maraming lokal na ehekutibo sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon na siyang kumakatawan nga sa Rehiyon ng Timog Katagalugan ay iisa ang patutunguhan ng kampanya versus krimen at droga ng pamahalaan… ito ay ang kabiguan. Abangan ang karugtong…

***

Para sa komento: Cp # 09293453199 at 09664066144, email: sianing52@gmail.com

The post Kampanya kontra-krimen… bigo! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Kampanya kontra-krimen… bigo! Kampanya kontra-krimen… bigo! Reviewed by misfitgympal on Hulyo 26, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.