Facebook

3 patay sa tubig-baha sa Bukidnon

CAGAYAN DE ORO CITY – Nasawi ng tatlong residente nang tangayin ng tubig-baha habang tumawid sa spillway sa Sitio Calasuyan, Barangay Capihan, Libona, Bukidnon.

Kinilala ni Libona Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office head Neptalie Montoya ang mga nasawi na sina Junrey Morales, 31 anyos; Raymond Basa, 33; at menor de edad na si Cyrile Salilo. Lahat residente sa lugar.

Inihayag ni Montoya na patawid ang mga biktima pauwi nang abutan ang mga ito ng malakas na buhos ng pag-ulan rumaragasang baha kaya natangay ang mga ito.

Sinabi ni Montoya na agad nilang ikinasa ang rescue at search operation subali’t inaabot pa ng ilang araw bago magkasunod na natagpuan ang mga bangkay ng mga biktima.

Ang spillway ay pansamantalang tawiran ng mga residente dahil hindi pa naayos ang hanging bridge na nasira ng bagyong Sendong noong 2011.

The post 3 patay sa tubig-baha sa Bukidnon appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
3 patay sa tubig-baha sa Bukidnon 3 patay sa tubig-baha sa Bukidnon Reviewed by misfitgympal on Hulyo 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.