Facebook

Riding in tandem na holdaper huli sa Batangas

NASAKOTE rin ang dalawang lalaki na nasa likod ng hindi bababa sa 30 insidente ng panghoholdap gamit ang patalim at ‘pellet gun’ sa iba’t ibang bayan at lungsod sa Batangas,

Kinilala ang mga nadakip na sina John Leandro Buena, 22 anyos; at Raffy Esparza, 20.

Sa ulat, ipinakita ang mga kuha ng CCTV sa ilang insidente pag-atake na ginawa ng riding in tandem na holdaper. Kabilang na dito ang panghoholdap sa Lipa City, Sto, Tomas, at Malvar, kung saan pinalo pa ng holdaper ng baril sa ulo ang kanilang biktimang babae.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Lory Tarrazona, hepe ng Lipa City Police, iba’t ibang oras kung umatake ang mga holdaper na nag-iikot sakay ng isang motorsiklo para maghanap mabibiktima.

Kapag nasindak na ang biktima, kaagad nilang kukunin ang mga gamit nito at saka tatakas.

Ang isang biktima na pumalag umano sa dalawa, sinaksak sa kamay.

Pero dahil sa mabilis na paghingi ng tulong ng panibago nilang biniktima, nadakip ang dalawa.

Narekober sa mga holdaper ang motorsiklo at isang baril na pellet gun na ginagamit nila sa panghoholdap.

Hinikayat ni Tarrazona ang mga iba pang nabiktima ng dalawa na magtungo sa kanilang himpilan para magsampa ng reklamo.

The post Riding in tandem na holdaper huli sa Batangas appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Riding in tandem na holdaper huli sa Batangas Riding in tandem na holdaper huli sa Batangas Reviewed by misfitgympal on Hulyo 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.