Facebook

Pulis timbog sa puslit na Narra

ISABELA – Sa kulungan ang bagsak ng isang pulis at dalawa nitong tauhan nang mahuli sa pagpupuslit ng iligal na pinutol na narra sa isang checkpoint sa national highway Barangay District 3, San Manuel, Isabela.

Kinilala ni Police Major Jose Torrijos, hepe ng San Manuel Police Station, ang mga dinakip na sina Domingo Fernandez, 44 anyos, driver, ng Barangay Kalsem, Aguilar, Pangasinan; Vic Natar, 46, ng Barangay Buaya, Balbalan, Tabuk City, Kalinga; at SSgt. Clifford Tega, ng Purok 3, Bulanao, Tabuk City at nakadistino sa 1st PMFC sa Pampanga.

Ayon kay Torrijos, habang nagsasagawa sila ng random checkpoint sa kanilang erya, pinahinto nila ang isang close van. At nang tingnan ang laman ng van ay tumambad sa kanila ang mga tablon ng narra na napatungan pa ng sako-sakong ipa.

Walang maipakitang dokumento ang mga suspek sa kanilang mga kargamento.

Sinubukan pa umanong suhulan ng P30,000 ni Tega ang mga humuli sa kanila ngunit hindi nagpasilaw ang mga ito sa suhol.

Kinumpiska ang mga tablon ng narra na umaabot sa 600 board feet, sinusuhol na pera, sasakyan at dalawang baril at mga bala na isyu kay Tega.

Napag-alaman na hindi lang ito ang unang beses na nagpupuslit ng iligal na pinutol na kahoy si Tega na kanyang iniiskurtan, na kinukuha sa probinsya ng Kalinga at binibiyahe sa kalakhang Maynila. (Rey Velasco)

The post Pulis timbog sa puslit na Narra appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pulis timbog sa puslit na Narra Pulis timbog sa puslit na Narra Reviewed by misfitgympal on Hulyo 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.