Facebook

PANAWAGAN NG INA NI KEITH ABSALON: “MAGSAMA-SAMA TAYONG TAPUSIN ANG NPA”

NANAWAGAN ang ina ng napaslang na varsity player na si Kieth Absalon sa lahat ng Filipino na makiisa at magsama-sama upang wakasan ang mga pang-aabuso ng teroristang Communist Party of the Philippines–New People’s Army–National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Inihayag ni Ginang Vilma Absalon na kailangan nang matigil ang masamang hangarin ng CPP-NPA-NDF sa lingguhang balitaan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

“Sama-sama tayo at magka-isa para tapusin ang kanilang masamang layunin”, diin ng ina ni Kieth na pinatay ng mga NPA sa pamamagitan ng ipinagbabawal na anti-personnel mines (APMs). “Para po ang mga kabataan natin ngayon ay patuloy din sila na maglalaro, o patuloy ang kanilang future na magiging maganda, na makakatulong sa ating bansa sa pag-unlad.”

Inilahad din niya ang kanyang suporta sa “Nationwide Bike for Peace and Justice for the Absalons” na gagawin sa Sabado (July 17, 2021), ang ika-40 araw ng pagkamatay ng kanyang anak at ng pinsang si Nolven sa mga kamay ng teroristang NPA.

Si Undersecretary Lorraine Badoy, tagapagsalita ng NTF-ELCAC sa larangan ng Social Media at Sectoral Concerns, ay nangako namang itataguyod ng Task Force ang paglagak ng hustisya sa pagkapatay ng kanyang anak at ng pinsan nito.

Kinumpirma naman ni NTF-ELCAC Vice Chairman at National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. “tinarget” talaga ng CPP-NPA-NDF si Kieth dahil sikat itong atleta at pagsusulong nito ng sports para sa mga kabataan.

“Why? Because they found out that Kieth is actively promoting sports and activities for the well-being of the youth na kontra sa adbokasiya ng CPP-NPA-NDF. At the same time, they want to show that they are still a force to reckon with, as many of their members have continued to surrender in Masbate,” ang paliwanag ni Esperon.

Samantala, bilang suporta sa mga Absalon, inanyayahan naman ni Christian Kier Betito, presidente ng Propelling Our Inherited Nation Through Our Youth (POINTY) Inc., ang lahat na makilahok sa bike event “Justice for Kieth Absalon! Justice for all the victims of all human rights abuses of the Communist Terrorist Groups” sa July 17.

Ang International Association of Youth and Students for Peace (IYSP) sa pamamagitan ng program coordinator nito na si Angelito Cainday ay nagsabi na sila’y sasali Bike for Peace “upang ipakita na kahit si Kieth ay pinatay na, ginising ng pangyayari ang diwa at isipan ng maraming kabataang Filipino na kailangan nang kumilos at magsama-sama para wakasan ang pang-aabuso ng teroristang CPP-NPA-NDF”.

The post PANAWAGAN NG INA NI KEITH ABSALON: “MAGSAMA-SAMA TAYONG TAPUSIN ANG NPA” appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PANAWAGAN NG INA NI KEITH ABSALON: “MAGSAMA-SAMA TAYONG TAPUSIN ANG NPA” PANAWAGAN NG INA NI KEITH ABSALON: “MAGSAMA-SAMA TAYONG TAPUSIN ANG NPA” Reviewed by misfitgympal on Hulyo 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.