IBAT-IBANG uri na ng mga aklat ang nasa pag-iingat ng inyong lingkod. Mga librong ang mga may-akda ay pawang mga sikat, may banyaga at lokal.
Ang koleksyon ng mga librong ito ay nagsimula noong nasa high school pa lamang ang inyong lingkod. Ngunit namumukod tangi at nakaagaw pansin ang isa sa pinakahuling aklat na ito ang librong “Soldier Peacemaker: The Life and Works of Eduardo R. Ermita, a Memoir”. Pinakakaingatan ito ng inyong lingkod sa aking munting aklatan.
Ang aklat na ito ay sinulat ng isang espesyal na tao na siyang nagbukas sa aking kamalayan patungo sa mas malawak na perspektibo, dimensyon, at idiyolohiya ng may-akda na naitala sa kasaysayan sa pamamagitan ng panulat.
Nais na sariwain ng SIKRETA ang kanyang mga karanasan, kahusayan at kasanayan sa kanyang napiling propesyon at bilang alay at pagbati na rin ng inyong lingkod sa kanyang pagdiriwang ng 86th birthday nito lamang July 13, 2021.
Tunay na natatangi sapagkat sinulat ang nasabing aklat ng itinuturing ng inyong lingkod na isang idolo, ama, at kaibigan sa tunay na sa diwa ng pagiging magkaibigan.
Ito ang nilalaman ng may 454-pahinang libro ng umakda nitong si retired Armed Forces of the Philippine (AFP) Lieutinant General, Eduardo R. Ermita, ang isa sa paboritong anak hindi lamang ng First District, kundi maging ng buong Lalawigan ng Batangas.
Hindi lamang pala sa mga bansang America at Japan matatagpuan ang birtud ng pagiging makabayan, kundi sa ating hanay na ring mga Filipino na siyang naipamalas ni Ermita.
Kung papaanong napaglingkuran ng magiting na heneral ng mahigit sa kalahating siglo ang ating pamahalaan at mga mamamayan ay siyang nilalaman din ng kanyang aklat.
May 31 taon munang naglingkod si Ermita sa AFP na nagsimula noong 1957 nang magtapos ito sa Philippine Military Academy (PMA).
Ang batang-bata pa noong si Ermita ay tumanggap ng PMA Athletic Saber Award bilang natatanging atleta sa kahusayan sa basketball, boxing at idagdag pa rito ang above average standing nito sa akademya.
Bilang kawal ay naipamalas ni Ermita ang kanyang likas na katangian sa pakikipag-diyalogo tungo sa kapayapaan. Para sa kanya hindi lamang sa pamamagitan ng baril at bala mapagwawagihan ang isang digmaan, kaillangan din ang tahimik at payapang estratehiya sa gitna ng larangan.
Sa kanyang prinsipyong ito nakahiyayat ang marami sa ating kapatid na muslim seccesionist para isalong ang kanilang mga sandata, magbalik loob sa pamahalaan at mamuhay ng mapayapa.
Dahil sa katangiang ito, nahirang si Ermita ng pamahalaan para ipadala sa isang misyon pang-militar at sibiko sa noon ay nagdidigmaang bansang Vietnam.
Sa loob ng dalawang taon ( 1966-1968) ay natupad nina Ermita at ng Philippine Civic Action Group (PhilCag) ang kanilang mandato sa Vietnam, kaya lalong nahasa ang katutubo nitong kaalaman.
Marami pang nahawakang sensitibong posisyon sa AFP si Ermita, pinahuli nito ay nang italaga ito bilang AFP Vice Chief of Staff.
Habang naglilingkod sa militar ay tinulungan din ni Ermita ang kanyang mga kababayan sa kanilang distrito na makaahon sa kahirapan sa pamamagitan ng pagpapaayos ng kanilang mga lansangan, pagpapagawa ng tulay at iba pang imprastruktura pang-ekonomya sa tulong ng AFP Engineering Brigade.
Kaya nang magretiro si Ermita sa serbisyo-militar at tumakbo bilang deputado ay marubdob itong sinuportahan ng mga botante sa mga bayan ng Nasugbu, Lian, Tuy, Balayan, Calatagan, Calaca, Lemery at Taal. Sa unang pagkakataon ay naigupo ni Ermita sa Batangas First District ang tinagurian noon na political dynasty.
Sa looban njg tatlong termino simula noong 1992-2001 ay nanungkulan si Ermita bilang kinatawan ng kanilang distrito.
Matatandaan si Ermita bilang proponent ng panukalang naisabatas na Republic Act 1700 (Anti- Subversion Law), na nagbibigay daan para magbalik loob sa gobyerno at malayang maging bahagi ng lipunan ang mga dating mga armadong grupo na kumakalaban sa pamahalaan.
Bilang pagkilala sa pagiging “peace man” ni Ermita ay hinirang ni Presidente Fidel V. Ramos si Ermita bilang miyembro ng National Unification Comission at kumakatawan sa House of Representatine noong 1992 para muling buksan ang usapang pangkayapaan sa pagitan ng gobyerno at Moro National Liberation Front (MNLF).
Ang negosayon tungo sa pagkakasundo sa pagitan ng gobyerno at MNLF ay nagwakas sa matagumpay na paglagda sa isang peace agreement sa bansang Libya nang si Ermita ay Vice Chairman na ng RP negotiating panel noong 1996.
Malaki ang naging tulong kay Ermita ng malalim nitong network sa mga sesyonistang muslim at pakikipagtulungan ng Organisation of Islamic Conference (OIC) para makamit ang noon ay pinakamimithing kapayapaan sa Mindanao.
Hindi lamang doon natigil ang paglilingkod ni Ermita sa bansa. Nanungkulan din itong Presidential Adviser on the Peace Process, Chairman of bipartisan Executive and Legislative and Advisory Council on the Sabah issue at Defense Secretary.
Dahil sa kanyang walang kapantay na paglilingkjod sa pamahalaan ay pinagkalooban si Ermita ng honorary degree in humanities ng Mindanao State University (MSU) at Batangas State University (BSU). Tumanggap din ng natatanging pagkilala si Ermita mula sa Rotary Club International, ang Peacemaker Award.
Siya rin ang kinikilang pinakamatagal na nanungkulan bilang “ Little President” na nagsimula noong 2005 hanggang 2010 nang maitalaga itong Executive Secretary ng Adminitrasyong Gloria Macapagal Arroyo.
Noong 2009 ay ginawaran ng PMA Alumni Association si Ermita ng “The Lifetime Achievement Award.
Kasabay sa kanyang pagreretiro sa may kabuuang 57 taon na matapat na paglilingkod sa Republika ng Pilipinas ay tumanggap si Ermita ng pinakamataas na parangal na maaring igawad sa isang mamayang Filipino at opisyal ng gobyerno, ang Order of Lakandula Award.
***
Para sa komento: Cp # 09293453199 at 09664066144, email: sianing52@gmail.com
The post Ermita: The peacemaker appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: