Facebook

Nagsorry tuloy

MINSAN ang pabigla-biglang desisyon ang naglalagay sa atin sa alanganin o kahiya-hiyang sitwasyon. Ito ang nangyari sa nakaraang paghahayag ng World Bank na ang ating bansa raw ay nagungulelat kung edukasyon ang pag-uusapan.

Ang nangyari kasi, bigla-biglang naglabas ang World Bank ng ulat sa kalagayan ng edukasyon sa Pilipinas nang di man lamang kinunsulta ang ating Department of Education (DepEd) kung may mga nagawa na bang itong mga hakbang na makakapagpapaunlad sa kalagayan ng edukasyon sa bansa.

Nasopla agad ni DepEd Secretary Leonor Briones ang mga puting opisyales ng World Bank dahil ang mga datos sa kanilang ulat ay mga luma at paso na pala. Kaya ang ginawa ng kalihim ay pinahiya ito sa madla at inutusang humingi ng pangpublikong paumanhin sa atin bunga ng malaking pagkakamali nito sa paglalabas ng ulat.

Sa kanilang ulat, sinabi ng World Bank na walumpung porsiyento (80%) ng mga batang Filipino ay nanantiling mangmang sa kabila ng pagaaral na ibinibigay ng libre ng pamahalaan.

Nakakainsulto nga naman, na sa mahabang panahon at palitan ng administrasyon ay ganun pa rin ang ating kalalagayan sa larangan ng edukasyon.

Kaya naman sinugandahan agad ni Department of Finance Secretary Carlos Dominguez III si Sec, Briones at sinusugan nito ang galaw ng kalihim sa pagsulat sa banyagang institusyon na ang ulat ay hindi tumutugma sa kasalukuyang kalagayan ng edukasyon sa bansa at nakapinsala sa mga kabahagi ng sektor na ito.

Agad na binawi ng World Bank ang ulat na inilathala pa nila mismo sa kanilang website para sa kaalaman ng lahat. Inamin nito na nagkamali sila ng pangangasiwa sa paglalathala sa ulat at humingi ng “sorry” o paumanhin sa ating mga Filipino sa kanilang maling nagawa.

Kaya kinakailangan huwag tayong pabigla-bigla sa ating mga pagkilos. Kadalasan nagreresulta ito sa pagkakalagay natin sa alanganin at minsan ay matinding kahihiyain ang naibibigay nito.

The post Nagsorry tuloy appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Nagsorry tuloy Nagsorry tuloy Reviewed by misfitgympal on Hulyo 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.