Facebook

Biik na may 2 ulo sa Cotabato

ISANG biik na may dalawang ulo ang ipinanganak noong Hulyo 6 sa Barangay Bialong, M’lang, Cotabato.

Ayon sa pamilya ni Eloisa Fame Baliguat, sa 10 biik na iniluwal ng kanilang inahing baboy, isa rito ang may dalawang ulo.

Pero nanghinayang sila dahil higit isang araw lang ang nakalipas ay namatay ang hindi pangkaraniwang biik.

Naobserbahan nila na ang biik ay tila nahihirapang huminga at matamlay.

Sinubukan pa nilang ilapit sa inahing baboy, pero hindi ito dumedede.

Sa tatlong taon nilang pag-aalaga ng baboy, unang pagkakataon nilang nakaranas na nagkaroon sila ng biik na may dalawang ulo.

The post Biik na may 2 ulo sa Cotabato appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Biik na may 2 ulo sa Cotabato Biik na may 2 ulo sa Cotabato Reviewed by misfitgympal on Hulyo 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.