Facebook

4 panibagong pagputok ng Bulkang Taal naitala

MULING nakapagtala ng apat na phreatomagmatic eruption ang Bulkang Taal nitong Miyekules ng umaga, Hulyo 7.

Ayon sa Phivolcs, unang nai-record ang pagputok sa ganap na alas-5:18 ng umaga, nasundan ito bandang 8:47 at pangatlo ay ganap na 9:15, habang pang-apat ay alas-9:26 ng umaga.

Sa pagsabog ay namataang umabot sa 300 metro ang ash plume.

Patungo ang usok at abo sa timog silangang direksyon.

Mas mahina naman ang pangalawa at pangatlong pagbuga ng usok.

Ayon kay Phivolcs Dir. Renato Solidum, patunay lamang ang mga ganitong pangyayari na nananatili ang abnormalidad ng bulkan at posible ang panibagong mga pagsabog, kahit anong oras.

Sa latest monitoring, ang sulfur dioxide emission ng Taal ay may average na 7,560 tons per day.

The post 4 panibagong pagputok ng Bulkang Taal naitala appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
4 panibagong pagputok ng Bulkang Taal naitala 4 panibagong pagputok ng Bulkang Taal naitala Reviewed by misfitgympal on Hulyo 07, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.