SINAMPAHAN ng ‘Homicide’ ang 10 pulis ng Laguna Provincial Police Office (PPO) na pumatay sa isang binatilyo sa anti-drug operation sa Biñan City, Laguna nitong nakalipas na Hunyo.
Ayon kay Police Regional Office 4A chief, Brigadier General Eliseo Cruz, naisampa na ng Fact Finding Investigation Task Group ang kaso sa City Prosecutor’s Office ng Biñan City noong Lunes, July 5, laban sa naturang mga pulis kabilang na ang hepe nito na si Captain Fernando Credo.
Ang kaso ay batay sa complaint affidavit ng ina ng napatay na menor de edad na si Johndy Helis, 16 anyos.
Matatandaan Hunyo 16 nang magsagawa ng pagsalakay ang nasabing mga pulis bitbit ang warrant of arrest laban sa target na si Antonio Dalit, pero nanlaban umano ang huli at ang binatilyong si Helis kaya sila napatay.
Gayunman, nanindigan ang pamilya ni Helis na hindi makakapanlaban ang binatilyo dahil nakaposas ang mga kamay nito nang dakpin ng mga pulis.
Ayon naman sa pamilya ni Dalit, hindi totoo na may dala itong baril. Ang ipinakitang baril ng mga pulis ay isang Airsoft gun.
The post 10 PULIS SA PAGPATAY SA BINATILYO SA DRUG OPS SWAK SA ‘HOMICIDE’ appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: