MAY courtesy call si Commissioner WILLY MARCIAL ng PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION (PBA) kay Chairman BENJAMIN‘BENHUR’ C. ABALOS, JR. ng METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY (MMDA) over the weekend.
Alam ng Bayang Basketbolista na kailangan ang maraming sakripisyo para mapanatili ang takbo ng liga lalo pa at aminado tayong numero uno ang Basketball sa listahan ng Sports para sa mga Pinoy. Sa mahigit isang taon, pasan ni Kume MARCIAL ang napaibang sitwasyon ng liga na nataon sa kanyang termino. Instead na sukuan, mas hinaharap niya ang challenges amid pandemic period.
Last year, alam natin ang hirap ng PBA Season 45 na ginawa thru bubble set up sa Clark, Pampanga kung saan dusa ang dinaanan ng buong pamunuan at mga koponan na kinailangang manatili sa venue at malayo sa mga pamilya., bukod sa making gastos na nasa Php 70 M. Nonetheless, nairaos successfully ang nagdaang season kahit one-conference lang. Kung kakayanin ang target na 2-conference Season 46 this year, aabangan sa inaasahang PBA opening anytime between July and August. Tinalakay rin ang pagpapalakas ng samahan at paglilinaw ni MARCIAL sa mga guidelines for existing rules and regulations of the Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa contact sports tulad ng basketball.
Nag-pledge ng support si ABALOS sa liga at mismong caging sport. “ Basketball is the Filipinos’national pastime..but there is no denying that the PBA is struggling now because of the pandemic. We have to ensure the safety of everyone, not only the players but the general viewing public. We cannot compromise the health and well-being of all.”
Si ABALOS ,dating mayor ng Mandaluyong City ay isang Sportsman at sports patron tulad ng amang si former Mandaluyong Mayor BENJAMIN S. ABALOS, SR. champion golfer na sinusundan ng mga apo sa larangan ng golf like CELINE MARIE A. ABALOS, BENHUR’s youngest daughter, who made her golf debut in IMG World Juniors golf championship in San Diego, California at age 11, last year. Bago naging MMDA Chairman, awarded “Horseowner of the Year” ng PHILIPPINE SPORTS ASSOCIATION (PSA) for champion race horses tampok sina IBARRA, HAGDAN BATO at HENERAL KALENTONG, at law professor sa UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES (UP).
Ang youth orientation at anti-drug campaign program thruBENHUR ABALOS SPORTS INTERACTION CLINIC (BASIC) ay sinimulan noongwala pa man siya sa public service, patuloy na umaariba sa Mandaluyong at humuhubog ng young athletes sa iba-ibang field katuwang ang ilang veteran cagers and officials particularly residents ng lungsodkabilang sina MANNY VICTORINO, JOHNEDEL CARDEL at ESTONG BALLESTEROS,former PBA veteran players, spearheaded by NOEL “Big DADDY” BERNARDO, son of ex-PBA veteran cager and Olympian NARCISO ‘CISO’ BERNARDO.
Well, needless to reiterate though, ABALOS is expected to cast an all-out support to PBA, the home of basketball, under one Sports world. KUDOS to Philippine Sports! HAPPY READING!
The post ABALOS, SUPORTADO ANG PBA appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: