BIGYAN puwang muna natin itong mga sumbong, reklamo at reaksyon ng ating mga kababayan laban sa mga abusadong taong gobierno.
Report ng isang concerned sa Pasay City, ang mga barangay chairman sa kanilang lugar ay naglalakihan ang mga bahay, nakakapagpundar ng magagarang sasakyan. Tapos pag pinansin ng residente, sasabihin galing sa kanilang pension sa SSS o GSIS.
Sus! Magkano ba ang buwanang pension sa SSS o GSIS, umaabot ba ng P20K? Parang hindi naman…09284689…
***
Hamon ni Duterte kay Pacquiao, ilabas ang list ng corrupt na ahensiya niya.
Magpakatoto nga, buksan ang mata niya.
Siguro kung sinunod n’ya ang pinangako n’ya nun kampanya n’ya na uubusin ang korap at drug syndicate, kundi man maubos at least madaming mabawas. Kaso patapos na term n’ya sandamakmak parin ang mga korap at droga. Baka sabihin na naman dilawan ito. Hindi po, misis ng tahanan ako na nagsusubaybay sa mga kaganapan. – 09637238…
***
Dito sa J. Fernando st., Barangay 77, Pasay City, ang karsada dito ay laging putik, putik na baha po. Laging lubog sa putik, kasi po may pinagagawang building ng Chinese. Doon naman sa dulo ay may kainan sa gitna ng karsada, may kulungan ng aso at manok. Talaga po hindi puede mag-tricycle mga tao, hindi makadaan ang sasakyan. Sana makarating ito sa DILG. Ano na ba nangyari sa nationwide clearing operations sa mga kalye? – 09951482…
***
Wala po bang magagawa ang PNP HPG na mapaalis itong mga naglipanang habal-habal dito sa Bustamante st., Caloocan City na hinahawakan ng MMDA at DPSTM na sila ang mga nagpapapela dito? Dapat maalis ang mga ito, kasi kawawa ang mga pasahero na sumasakay sa mga kolorum at mataas pa maningil. – 09061773…
***
Grabe na ang bentahan ng shabu dito sa Banana island sa Mendez st., Baesa, Quezon City. Pati sa Ambuclao. Umaga hanggang gabi ang bentahan ng shabu. Bakit walang nanghuhuli rito? Matagal na ito. Sana maaksiyunan naman. – Concerned citizen
Quezon City PNP Anti-Drug Unit. Aksyon!
***
Yung bangketa sa Puregold-Tayuman, Tondo, Manila, wala nang madaanan ang mga tao. Ginawa nang tindahan, sobrang sikip at may tinayo pang bahay bahay doon. Imbes na maluwag at maayos sana, sobrang sagwa lalo na ‘yung bahay makalat na. Kaya halos wala nang madaa-nan, nakahambalang ‘yung mga gamit nila doon. Anong silbi ng mga nakatambay na DPS doon? Dapat sila itong sasaway o nagpapaalis. – 09675906…
***
Hinamon ni Duterte si Pacquiao ilabas ang listahan ng mga korap na ahensiya. Nang ilabas ni Pacquiao ang listahan, sabihin naman ng Palasyo walang kuwenta, wala raw korapsyon doon. Tapos sabihin naman ng DoJ kasuhan nalang ni Pacquiao ang mga korap na taong gobierno. Bakit si Pacquiao ang kakaso? Dapat si Duterte! Kasi siya naman ang may sabi na ibigay lang sa kanya ang listahan at bahala na siya, isang linggo lang.
Pinagloloko nalang ni Duterte ang mamamayan. Puros drawing ang kanyang mga pangako. Naghahamon, pag tinanggap ang hamon, aatras. Bugok! – 09655952…
The post Hamon ni PDut kay Pacman ipinasa din sa Senador appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: