Facebook

Konsehal sa Quezon inireklamo ng pangmamanyak ng gov’t. employee

INIREKLAMO ng pangmamanyak ng isang empleyada ng munisipyo ang isang konsehal ng lungsod sa Tayabas City, Quezon Province nitong nakalipas na Martes, Hulyo 6.

Si Dhonabelle Fernandez Cocadiz, administratve aide ll ng local government ng Tayabas City, ay personal na nagtungo sa Tayabas City Police Station at nagreklamo ng Acts of Lasciviousness at sexual harassment laban kay City Councilor Dino Marquez Romero, Martes ng umaga.

Ayon sa biktima, nangyari ang pangmamanyak sa kanya ng konsehal noong July 5, Lunes, 2:00 ng hapon sa tanggapan ng Sangguniang Panglunsod sa JP Rizal St., Barangay San Diego Zone 1, Tayabas City.

Sinabi ni Cocadis na habang siya’y nasa kusina ng kanilang opisina at naghuhugas ng tasa ng kape nang lapitan siya ng konsehal at niyakap at nilamas ang kanyang suso. Nagpumiglas siya at agad lumabas.

Wala pang reaksiyon ang konsehal sa reklamo laban sa kanya. (Koi Jose Laura)

The post Konsehal sa Quezon inireklamo ng pangmamanyak ng gov’t. employee appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Konsehal sa Quezon inireklamo ng pangmamanyak ng gov’t. employee Konsehal sa Quezon inireklamo ng pangmamanyak ng gov’t. employee Reviewed by misfitgympal on Hulyo 07, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.