Facebook

82-anyos proud high-school grad

ISA si Maria Estanislao, 82, sa mga nagtapos ng high school sa pamamagitan ng Alternative Learning System (ALS) sa bayan ng San Marcelino, Zambales noong July 15, 2021.

Bagama’t bahagyang na-delay dahil sa pandemya, natuloy parin ang pagtatapos ng mga estudyante. Umabot sa 90 ang nagtapos para sa Class of 2019-2020, kungsaan 3 ang nagtapos ng elementarya at 87 sa high school.

Kasama sa nagtapos si Estanislao, na nakakuha rin ng natatanging karangalan dahil bukod sa pagpupursige na makatapos, isa siyang patunay na hindi balakid ang edad para makamit ang inaasam na edukasyon.

Dahil kasabayan ang mga millennial, linya sa kanta ni David Cook na “Dream Big” ang payo niya sa mga nais ding makatapos ng pag-aaral kahit may edad na.

“But if you (don’t) dream big, what’s the use in dreaming? If you don’t have faith, there’s nothing worth believing,” ani Estanislao.

Ang alternative learning system, na tinatawag ring second-chance education, isang programa ng Department of Education (DepEd) na naglalayong matulungan ang mga out of school youth, mga mangaggawa, may kapansanan, nakalaya sa bilangguan, dating rebelde ng gobyerno, mga katutubo at iba pang tao na hindi nakapasok sa paaralan o hindi nakapagtapos ng pag-aaral pero nagnanais matuto at magpatuloy sa pag-aaral.

The post 82-anyos proud high-school grad appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
82-anyos proud high-school grad 82-anyos proud high-school grad Reviewed by misfitgympal on Hulyo 27, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.