BUMANGGA ang isang armored van sa closed van sa kahabaan ng northbound lane ng Mabini bridge sa Pandacan, Maynila.
Sa ulat na ibinahagi ni Capt. Philipp Ines, hepe ng PIO ng Manila Police District, mula sa Manila Traffic Enforcement Unit 11:45 ng gabi nitong Lunes nang mangyari ang insidente.
Sangkot sa insidente ang isang Philippine Army Armored Vehicle (A6063) at isang aluminum closed van na may plakang 040403.
Ayon sa report, kapwa binabagtas ng dalawang sasakyan ang northward lane ng Mabini bridge nang sumabog ang kanang harapang gulong ng armored car .
Nawalan ng kontrol ang drayber hanggang sa bumangga sa kaliwang bahagi ng van na nasa kanyang harapan.
Wala namang iniulat na nasaktan sa insidente at kapwa nagkasundo ang magkabilang panig na ayusin na lamang ang kaso. (Jocelyn Domenden)
The post Armored car sumabog ang gulong bumangga sa van appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: