
KARUMAL-DUMAL na kamatayan ang sinapit ng isang 9- buwan gulang na sanggol nang pagsasaksakin ng kanyang tiyahin sa Koronadal City.
Ayon kay Kagawad Danilo Delos Santos ng Barangay GPS, Koronadal City, ang tiyahin ang nagbabantay sa babaeng sanggol dahil nasa ibang bansa ang ina nito.
Nangyari ang insidente sa bahay ng ina ng sanggol sa Purok Tagumpay, Barangay General Paulino Santos (GPS).
Ayon kay Delos Santos, makailang beses na sinaksak ng tiyahin ang sariling pamangkin gamit ang kitchen knife sa hindi pa malamang dahilan.
Pinaniniwalaang wala sa katinuan ang tiyahin nang ginawa ang krimen.
Nagtamo ng maraming sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan nito ang sanggol na naging dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.
Dagdag pa ng opisyal, posibleng nawala sa tamang pag-iisip ang salarin dahil sa depresyon sa mga pinagdadaanan nitong pagsubok sa buhay.
Mabait naman umano ang salarin at mahal na mahal nito ang kanyang inaalagaang pamangkin mula pa nang bumalik sa ibang bansa ang kapatid.
Ngunit nitong Miyerkukes, bigla na lamang itong nagwala, sinabunutan ang sarili at nagsisigaw.
Isasailalim sa tinatawag na psychological intervention ang salarin sa layuning maibalik sa tamang pag-iisip.
The post 9 buwan sanggol tinadtad ng saksak ng tiyahin appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: