Facebook

2 pulis na gumahasa at pumatay sa babaeng nagdemanda swak sa murder

BOLUNTARYONG sumuko ang dalawang dating pulis na parehong nasibak sa serbisyo at parehong wanted person sa San Juan, Ilocos Sur, Miyerkules.

Kinilala ang mga sumuko na sina Marawi Ubaldo Torda, 34, may asawa, ng Barangay Lapting, San Juan; at Randy Vintero Ramos, 37, ng Bgy. Cabanglutan.

Inaresto sina Torda at Ramos ng mga pinagsanib na puwersa ng San Juan MPS , ISPIU, ISPIDMB, ISPOMU, Northern Luzon Bravo, Luzon Field Unit, IMEG, RID, RIU, Cabugao PS, 1st ISPMFC at HPG Isur sa bisa ng tatlong warrant of arrest na inilabas ng RTC Branch 24, Cabugao, Ilocos Sur noong July 7, 2021.

Ang dalawang pulis ay parehong nahaharap sa kasong murder na ‘no bail recommended’.
Bukod sa murder, nahaharap din si Ramos sa kasong Rape, no bail recommended; samantalang Acts of Lasciviousness na may piyansang P200,000 naman kay Torda.
Hulyo 2, 2020 noong mapatay ang isang 15-anyos na babae sa Bgy. Daclapan, Cabugao, Ilocos Sur.

Pinagbabaril ang biktima habang pauwi galing ng Cabugao Municipal Police Station para magsampa ng reklamo dahil sa ‘di umano’y nangyaring pangmomolestiya sa kanya at sa 18-anyos na pinsan niya.

Ang dalawang pulis na noo’y kapwa nakadestino sa San Juan Municipal Police Station ang itinuturong mga suspek sa pangmomolestya sa magpinsan.

The post 2 pulis na gumahasa at pumatay sa babaeng nagdemanda swak sa murder appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
2 pulis na gumahasa at pumatay sa babaeng nagdemanda swak sa murder 2 pulis na gumahasa at pumatay sa babaeng nagdemanda swak sa murder Reviewed by misfitgympal on Hulyo 08, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.