Facebook

MAY DEPERENSIYA SA ISIP ‘NAGNAKAW’ NG KABLE PATAY SA TORTURE!

NASAWI ang isang lalaki na may deperensiya sa pag-iisip nang saktan, pahirapan matapos mahuli sa bintang ng pagnanakaw ng isang sibilyan at barangay kagawad sa Coron, Palawan.

Kinilala ang biktima na si Carlo Layaog, 23 anyos.

Sa ulat, dinakip si Layaog dahil sa pagnanakaw ng kable sa Barangay 3 sa Coron.
Sa video na inilabas ng pulisya, makikita si Layaog na nakaupo habang tinatanong ng mga salarin sa pagnakaw.

Tinakot pa ang biktima na puputulan ng kamay gamit ang lagare.

Sa isa pang video, makikita ang biktima na pinagsalita para magbigay ng mensahe sa iba pang magnanakaw.

“Sa mga kapwa ko magnanakaw, ‘wag na kayo magnakaw, kung gusto niyo magnakaw magsitago-tago na kayo,” sabi ni Layaog sa video.

Ayon kay Police Captain Ervin Plando, hepe ng Coron Police Station, napansin nila na nanghihina si Layaog nang dalhin sa kanila ng mga nakahuli rito.

Kaya ipinadala ni Plando si Layaog sa ospital para masuri. Pero namatay kinalaunan ang biktima dahil sa ‘traumatic brain injuries’.

Hinanakit ng mga kaanak ni Layaog, bakit kinailangan pang saktan ang biktima, hindi nalang dinala sa pulisya kung nakagawa man ito ng kasalanan.

Sinabi ni Plando na sinampahan na nila ng reklamong anti-torture si Barangay Kagawad Paul John Abe at isa pang sibilyan.

Sa ulat, base ang reklamo sa resulta ng medico-legal report at death certificate ng biktima.

Tugma rin ito sa salaysay ng saksi tungkol sa sinapit ni Layaog.

Tumanggi naman si Abe na magbigay ng pahayag. Ang abogado nalang aniya ang bahalang sumagot para sa kaniya.

Hindi naman naglabas ng pahayag ang kaniyang kasama.

Ang abogado ng biktima na si Attorney Lourdes Benipayo ay nagsabing kasong ‘murder’ ang nais na isampa ng pamilya ni Layaog laban sa mga salarin.

“They did not see him take the cables. ‘Yang victim known around the area as somebody na may kapansanan sa mind, so he’s a little slow,” paliwanag ni Benipayo.

“Sa dinadami nila, pinagtulungan nila isang helpless na tao,” dagdag niya.

The post MAY DEPERENSIYA SA ISIP ‘NAGNAKAW’ NG KABLE PATAY SA TORTURE! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
MAY DEPERENSIYA SA ISIP ‘NAGNAKAW’ NG KABLE PATAY SA TORTURE! MAY DEPERENSIYA SA ISIP ‘NAGNAKAW’ NG KABLE PATAY SA TORTURE! Reviewed by misfitgympal on Hulyo 08, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.