Camp Vicente Lim, Laguna – Tinanggal na sa serbisyo si Police LtCol. Marlou Dumagat Besona na naka-assign sa Calabarzon Police Regional Office (PRO4A) nang magpositibo ito sa paggamit ng iligal na droga sa isinagawang “random drug test ” sa mga pulis noong Mayo 19, 2021.
Ayon sa Calabarzon PRO 4A Regional Director, Brigadier General Eliseo Cruz, si Besona ang kauna-unahang opisyal na nasampolan ng kampanyang Intensified Cleanliness Policy (ICP) ni PNP Chief Gen. Guillermo Lorenzo T. Eleazar.
Lumabas sa isinagawang summary administrative due process proceedings sa opisyal na positibo at may basehan ang mga isinampang kaso laban dito kaya’t pinatawan ito ng “Guilty” at ‘order of dismissal’ noong July 12, 2021 at hindi na ito umapela ng ‘motion of reconsideration’.
Nilagdaan na ni Eleazar ang ‘certificate of finality of dismissal’ laban kay Besona.
Babala naman ni Cruz sa iba pang pulis sa Calabarzon na hindi siya magdadalawang isip na alisin sa serbisyo ang mga tiwali at corrupt na pulis sa kanilang hanay.(Jose Koi Laura)
The post ‘Adik’ na opisyal ng PNP sa Calabarzon sibak sa serbisyo appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: