Facebook

Ang GENLOT – DIGI-SPECS IT sa PCSO at ang bagman ng NPD officials, lingguhang P250,000 ang hirit

MALINAW na malinaw sa rekord ng Special Bids and Awards Committee (SBAC) ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na disqualified ang Genlot Game Technology Co. Ltd. –

Digi-Specs IT Corporation-Philippine United Technic Corporation sa bidding ng P6.15 bilyong proyektong Philippine Lottery System (PLS).

Hindi lang isang beses nadisqualify ang GENLOT – DIGI-SPECS IT, kundi tatlo dahil sa iba’t ibang dahilan.

Ngunit, hindi pa tuluyang tinatanggal ang GENLOT – DIGI-SPECS IT sa pasubasta ng PCSO para P6.15 bilyong halaga ng proyektong PSL.

Tatlong ulit na nadiskulipika, buhay pa rin ang GENLOT – DIGI-SPECS IT?!

Pokaragat na ‘yan!

Idiniin ni PCSO General Manager Royina Garma sa media kamakailan na antayin ang pinal na hatol ng SBAC.

Napag-uusapan na rin lang natin, hayaan n’yong isiwalat kong nagbalik ang jueteng sa Lungsod ng Caloocan ilang araw na ang nakalipas.

Ito’y matapos na tuluyang ipatanggal ni Mayor Oscar “Oca” Malapitan si alyas “Renel” sa lungsod.

Nang mawala si alyas Renel, natigil ang jueteng niya na itinago sa Peryahan ng Bayan.

Pokaragat na ‘yan!

Kaya, natigil din ang iligal na sugal nina alyas “Tisay” at alyas “Boyong”.

Palagay ko, nadamay ang dalawa dahil sa sobrang buwisit ni Malapitan kay alyas Renel.

Pero, nakabalik ang Peryahan ng Bayan sa Caloocan.

Pokaragat na ‘yan!

Ganoon pa rin ang istilo, 1 – 40 numero ang pagpipilian ng mga mananaya.

Ngunit, hindi si alyas Renel ang may hawak.

Isang taong nakabase sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) na sobrang lakas ng isang pulis sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Dahil, dito nakabalik na rin sina alyas Tisay at alyas Boyong.

Muntik nang maantala ang nasabing jueteng dahil mayroong isang alyas “Esing” ang humirit ng P250,000 na lingguhang tara.

Itong alyas Esing ay “bagman” umano ng opisyal sa Northern Police District (NPD).

Pokaragat na ‘yan!

Siyempre, hindi bumigay ang bagong may hawak ng jueteng sa Caloocan dahil sobrang laki ang itinaas mula sa dati.

Nakarating sa opisyal ng NCRPO ang hirit ni alyas Esing, kaya nasermunan ito nang todo.

Pokaragat na ‘yan!

The post Ang GENLOT – DIGI-SPECS IT sa PCSO at ang bagman ng NPD officials, lingguhang P250,000 ang hirit appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Ang GENLOT – DIGI-SPECS IT sa PCSO at ang bagman ng NPD officials, lingguhang P250,000 ang hirit Ang GENLOT – DIGI-SPECS IT sa PCSO at ang bagman ng NPD officials, lingguhang P250,000 ang hirit Reviewed by misfitgympal on Hulyo 26, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.