Facebook

Walang pag-uusapan

HINDI na kami nagsalita tungkol sa limang taon ng gobyerno n Rodrigo Duterte dahil sa aming pakiwari walang pag-uusapan. Lumpo ang pambansang ekonomiya, walang imprastraktura na naitayo maliban sa mga proyekto na naumpisahan noong panahon ni PNoy at natapos kamakailan, at walang malinaw na direksyon na patutunguhan sa susunod na panahon.

Hindi maaari na ipagmalaki ang madugo ngunit nabigo na digmaan kontra ilegal na droga, lalo na ang mga libo-libo na pinatay dahil sangkot sa paggamit at pagtutulak ng droga. Hindi maipagmamalaki ang pagpapakulong kay Leila de Lima dahil sa mga pinagtagpi-tagping bintang at mga kasinungalingan. Walang pagmamahal sa bayan si Duterte. Labis-labis ang pagkampi at pagpapaalipin ni Duterte sa China. Tuta ng China si Duterte; wala siyang dangal at ipagmamalaki. Bukod, diyan. Lumala ang korapsyon sa gobyerno at sinasabing nasa P1 trilyon ang nawawala sa kaban ng bayan bawat taon.

Isang malaking kabiguan si Rodrigo Duterte sa mata ng bawat Filipino at buong mundo. Walang ipagmamalaki ang kanyang administrasyon. Kaya walang pag-uusapan.

***

SIMBOLO ng kabiguan ng gobyerno ni Duterte ang kontrobersyal na dolemite beach sa Roxas Boulevard na ginastusan ng halos kalahating bilyon. Walang silbi at naging kanlungan lang ng mga basurang inanod na bagyo. Hindi malaman ng DENR at sampu na nagtaguyod nito kung paano pagandahin ang dolemite beach.

Biglang tumahimik si DENR Undersecretary Benny Antiporda sa masaklap na kapalaran ng dolemite beach. Siya ang masugid na nagtaguyod ng kontrobersiyal at napakamahal na proyekto kahit sandamukal na batikos ang inabot niya. Hindi nagsasalita at sumasagot si Benny Antiporda kahit muling nabuhay ang mga matitinding banat.

Hindi namin maaalis ang matawa sa proyekto dahil kahit binuksan sa publiko, hindi pwedeng magtagal ng limang minuto ang bawat bumibisita. Pinagbawalan silang kumuha ng dolemite bilang souvenir. Katawa-tawa ang proyekto.

***

HINDI alam ni Duterte at mga alagad kung paano sasalagin ang sakdal na crimes against humanity na isinampa laban sa kanila ni Sonny Trillanes at Gary Alejano sa International Criminal Court (ICC). Wala silang malinaw na pangontra sa sandaling totohanin ng ICC ang pag-usig sa kanila. Maaaring ibaba sa Setyembre o Oktubre ng Pre-Trial Chamber ng ICC ang utos na pormal na imbestigasyon kay Duterte at mga kasapakat – Dick Gordon, Alan Peter Cayetano, Jose Calida, Bato dela Rosa at iba pa.

Hindi katanggap-tanggap ang katwiran ni Harry Roque na walang poder ang ICC na usigin si Duterte. Nagsalita ang Korte Suprema na hindi maaaring umiwas si Duterte at mga kasabwat sa pag-usig ng ICC kahit na tumiwalag umano ang Filipino sa ICC. Tanging si Duterte ang kumilos sa pagtiwalag ng Filipinas bilang kasaping bansa ng ICC. Hindi binawi ng Senado ang ratipikasyon sa Rome Statute, ang tratado na bumubuo sa ICC.

Kalaban ni Duterte at mga kasapakat hindi lang ang ICC kundi ang international community. Maliban sa China, wala siyang kakamping bansa. Hindi namin alam kung pwedeng isama ang mga ilang bansa na nasa Africa. Kapag naumpisahan ang pag-usig, hindi namin alam kung paano sasalag si Duterte. Mahina ang kanyang team. Hindi magaling si Harry Roque. Mas lalong hindi magaling si Martin Andanar.

***

QUOTE UNQUOTE: “Ano napala ng Tsina sa pagnakaw ng Scarborough? Nagtagumpay na nakapagnakaw pero luminaw sa buong mundo, naging maliwanag ang paninindigan ng mga sibilisadong bansa, na walang saligan ang 9-dash claim. Luminaw sa mundo kung anong uri ang kanilang pagka-bansa, at nagising ang mundo, na isang maton ang Superpower na ito. Salamat Presidente Benigno Aquino, III. Salamat Pilipinas.” – Prof. Bayani Santos, netizen at propesor sa pamamahayag

“What science giveth, politics taketh.” – Dr. Fareed Zakariah tungkol sa bakuna kontra Covid-19 sa kanyang programa sa CNN na “GPS”

***

Pakibasa ang pahayag ng Akbayan Party List tungkol sa proyektong dolemite beach:

GOODBYE TO DUTERTE’S “DOLOMITE
GOVERNANCE”— AKBAYAN

“If we want a genuine appraisal of the kind of governance Mr. Rodrigo Duterte has given this country, all we need to do is look at the dolomite disaster at Manila Bay. It sums up his term perfectly – wasteful and pretentious, foolish, dangerous, and all in all, fake.”

Akbayan spokesman Dr. RJ Naguit said that like the dolomite sand project at Manila Bay, Duterte is a “dismal failure.”

“When Duterte came to power in 2016, he made ‘dolomite populist promises.’ He talked a big talk: crime and drugs gone in six months, labor contractualization over in one week, zero tolerance for any whiff of corruption, jetskiing to the West Philippine Sea to assert our sovereign rights, and ‘build, build, build’ to help bring jobs and development,” Naguit said.

“Five years later, Duterte’s big promises were completely washed away like his precious dolomite sand. All that is left are stagnant pools of blood and filth. For all of his strongman talk to make our country safer and better, he is a dismal failure. Like his dolomite sand, Duterte withers in the face of the slightest challenge and adversity,” Naguit added.

Naguit said that under Duterte, thousands of Filipinos have died either from his bloody drug war or botched pandemic response. He also said that the Philippines became one of the most dangerous places in the world for journalists, lawyers, human rights defenders, and trade unionists.

“The country is in recession for the first time since the Marcos dictatorship. Labor contractualization is still in full effect. China has treated us like a low-class province. And Duterte’s ‘build, build build’ scheme built nothing unprecedented except debts and a giant credit grab for projects done by past administrations,” he said.

The Akbayan leader also hit Duterte’s attempt to extend his rule by fielding her daughter, Davao City Mayor Sara Duterte in the 2022 presidential election. “Like his worthless dolomite sand, Duterte is insisting on the necessity of his fakery–that he and his family, and their tyrannical leadership, are good for the country. To this we say, no more! Goodbye and good riddance, Mr. Duterte!” Naguit asserted.

The post Walang pag-uusapan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Walang pag-uusapan Walang pag-uusapan Reviewed by misfitgympal on Hulyo 25, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.