Facebook

“Come hell or high water, we will vaccinate” — Isko

COME hell or high water,we will vaccinate.

Ito ang deklarasyon ni Manila Mayor Isko Moreno, kasabay ng pagmamalaki niya na ang city government ay nakapagbakuna ng may 221,000 indibidwal nitong mga nagdaan pag-ulan kasama na dito ang Sabado at Linggo.

Samantala, pinasalamatan din ni Moreno ang National COVID-19 Vaccination Dashboard (NCVD) na nagpakita na mula July 25, 2021, ang Lungsod ng Maynila ay kumuha ng mahigit 30 porsyente ng kabuuang bilang ng mga nabakunahan sa National Capital Region (NCR), dahil dito, ang Maynila ang local government unit na may pinakamaraming naiturok na bakuna sa loob ng tatlong araw sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan.

Ayon kay Moreno, siya ay puno ng pagmamalaki at kasiyahan sa ipinapakitang determinasyon ng mga residente at vaccinating teams na makatulong upang matamo ang herd immunity sa siyudad.

Habang sinusulat ang balitang ito, sinabi ni Moreno na base sa datos na ipinadala sa kanya nina Vice Mayor Honey Lacuna at Manila Health Department chief Dr. Arnold Pangan, na kapwa namumuno sa vaccination program ng lokal na pamahalaan, ang bilang ng mga indibidwal na nabukanahan na sa lungsod ay umabot 754,070, hanggang alas- 8 ng gabi, July 25. Ang kabuuang bakuna na naiturok na sa kasaluluyan ay 1,217,701.

Tulad din ng mga residente na naghahangad na mabakunahan at makuha ang proteksyon na hatid ng bakuna, sinabi ni Moreno na ang mga kawani ng lungsod na siyang may kinalaman sa vaccination program ay may malaki ring sakripisyo dahil sinusuong nila ang malakas na ulan, lumulusong sila sa baha at pumapasok sila ng Sabado at Linggo sa halip na magpahinga kung saan ang karamihan ng tao sa bansa ay namamahinga sa kanikanilang tahanan.

Nitong nakaraang linggo kung saan napakalakas ng pag-ulan, sinabi ni Moreno mula sa report ni Pangan na may kabuuang 221,865 residente ang hindi inalintana ang masamang panahon at nagtungo pa rin sa vaccination sites upang mabakunahan at makakuha ng proteksyon upang hindi maging severe o critical sakaling mahawahan ng COVID-19. Ang nasabing bilang ay sumasakop sa July 19 hanggang July 25, 2021.

“Our fellow workers from the MHD also deserve to be commended. Sumuong sila sa baha. Di sila natinag at di nila inalintana ang malakas na ulan at baha, ganundin ang mga Batang Maynila na nakikinig sa ating panawagan na magpabakuna,” sabi ni Moreno.

Samantala, sa statistics naman ng NCVD ay makikita na mula July 23 hanggang July 25 nanguna ang Maynila sa mga lungsod sa Metro Manila pagdating sa dami ng bakunang naiturok, pumangalawa ang Quezon City at ikatlo ang Caloocan City.

Nitong Linggo, Maynila ang isa sa tatlong lungsod na itinuloy ang vaccination program sa kabila na ito ay araw ng pahinga at malakas ang buhos ng ulan.

Mula sa 268, 263 vaccines na naiturok mula July 23 hanggang July 25 sa buong NCR, 84,985 nito o 30 porsyento ng kabuuan ay sa Maynila. (ANDI GARCIA)

The post “Come hell or high water, we will vaccinate” — Isko appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
“Come hell or high water, we will vaccinate” — Isko “Come hell or high water, we will vaccinate” — Isko Reviewed by misfitgympal on Hulyo 26, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.