LUMAKAS pa ang pag-asa ng Pilipinas na podium finish sa nagpapatuloy na Tokyo Olympics matapos pumasok na rin sa round-of-16 ang Pinoy boxer na si Carlo Paalam.
Ito ay makaraang idispatsa kahapon ng umaga Lunes sa kanyang debut game ang pambato ng Ireland na si Brenda Irvine via split decision sa score na 4-1.
Si Paalam ang ikatlong boksingerong Pinoy na agad na naidispatsa ang mga kalaban.
Una nang umusad sa next round ang mga Pinay boxers na sina Nesty Petecio at Irish Magno sa round-of- 16.
Napansin na sa first round pa lamang ay abanse kaagad si Paalam sa limang mga judges at binigyan siya ng perfect score na 10.
Pagsapit ng Round 2 ay tinangkang humabol ng Ireland boxer at naging dikitan ang laban hanggang sa third round.
Gayunman sa huling round ay bahagyang pa ring nakalamang ang Pinoy boxer.
Samantala, Eumir Marcial na seeded sa men’s middleweight ay nabigyan ng bye. sasalang siya sa kanyang Olympic debut sa Huwebes laban sa magwawagi sa pagitan nina Algerias Younes Nemouchi at Uganda’s Kavuma David Ssemujji.
The post Olympics: Carlo Paalam pasok sa round ng 16 sa men’s flyweight appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: