GINIBA ng Petra Cement-Roxas ang kulang sa players na MisOr, 113-87kamakalawa para patatagin ang kampanya sa 2021 Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup Mindanao leg sa Pagadian City Gymnasium sa Zamboaga del Sur.
Nauna rito, lumapit ang Clarin Sto Nino sa target na elimination sweep matapos idispatsa ang JPS Zamboanga City, 95-69, para sa ika-anim na sunod na panalo.
Ibinaba ng Vanguards ang 30-18 run sa second period para sa dominanteng 19 puntos na kalamangan sa halftime, 58-39.
Nagpatuloy ang mainit na opensa ng Roxas sa second half para tuluyang ibaon sa kumunoy ang Authoritea,94-62, tungo sa ika-apat na panalo sa anim na laro at kunin ang solong ika-apat na puwesto sa eight-team tournament ng kauna-unahang professional league sa South.
Naglaro ang Misor na wala ang mga injured players na sina JR Cawaling (hamstring), Jayson Ballesteros (back spasms), Reil Cervantes (Achilles tendinitis), Ralph Salcedo (back), Andoy Estrella (back spasms), Lucas Tagarda (ankle sprain), Mark Sarangay (back spasms) at Paul Sanga (hand).
Nanguna sa Roxas si James Castro sa naiskor na 17 puntos, walong assists, at limang rebounds, habang kumana ang homegrown na sina Jordan Intic ng 14 puntos at RJ Deles na may 13 puntos.
Bagsak ang Brew Authoritea sa 2-5 kasosyo ang Kapatagan sa No.7.
Sunod na haharapin ng Roxas ang Buffalo Braves sa Lunes ganap na 2:00 ng hapon, habang mapapalaban ang MisOr sa ALZA Alayon sa Martes ganap na 2:00 ng hapon.
Kumamada sa Clarin si John Wilson na tumipa ng 23 puntos ng kabuuang 25 sa second half, bukod sa limang rebounds at tatlong steals, habang kumana si Carlo Lastimosa at Hayes ng 14 at 12 puntos, ayon sa pagkakasunod.
Nalalabing hadlang sa kampanya ng Sto. Niño na mawalis ang eight-team elimination round ay ang ALZA Alayon na makakaharap nila ang matikas at wala pa ring talong Basilan (5-0) sa Lunes. Batay sa rules ng liga, awtomatiko sa Finals ang koponan na makapagtatala ng sweep sa elimination,
Nanguna sa Zamboanga sina Jerwin Gaco na may 16 puntos at siyam na rebounds at nag-ambag si Mac Cardona ng 10 puntos para sa JPS na bumagsak sa 4-3.(Danny Simon)
The post ROXAS MINASO ANG MIS OR SA VISMIN CUP MINDA LEG appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: