Facebook

Walang kahandaan

SINO nga ba ang dapat sisihin ng publiko sa nangyaring malawakang pagbaha sa kalakhang Maynila?

Nagtuturuan ang mga LGUs at mga ahensiya kung sino nga ba ang nagkulang at di ginawa ng maayos ang kanilang pangunahing responsibilidad.

Para kasi sa mga lokal na pamahalaan,DPWH at MMDA ang may responsibilidad pagdating sa flood control pero ang di napaghandaan ng magkabilang panig ay ang malaking perwisyong puwedeng idulot nito sa kani-kanilang lokalidad gaya ng nangyayari sa kasalukuyan.

Nagkabiglaan ika nga kung kayat literal na nagulantang ang mga Metro Manila mayors nang maging mistulang dagat ang buong kabuuan ng kanilang lungsod.

Sa halos mag-iisang linggong walang puknat na pag- ulan sanhi ng bagyong nananalasa at epekto ng Habagat,di lamang Metro Manila ang lumubog sa malalim na baha kundi ang mga karating probinsiya nito partikular na ang Cavite,Bulacan,Pampanga at marami pang iba.

Bukod sa mga baradong waterways,di rin normal ang nangyaring pagbuhos ng napakalakas na ulan na tumagal ng mga araw.

Limitado lamang ang kakayanan ng mga pumping stations ng MMDA sa Metro Manila na nakaprograma lamang sa di ganitong kahabang pag-ulan.

Sa tingin ng mga eksperto,engineering na ang ugat ng problema dahil sa makikitid at napakalumang waterways system ng bansa.

Di tulad ng mga bansang Singapore,South Korea at Japan na talagang moderno at hightech ang kanilang structural designs ngunit di pa rin ligtas sa bagsik at galit ng kalikasan.

Bagamat moderno na ang mga sistema sa waterways system,di pa rin exempted ang mga bansang ito sa pagbabaha.

Ang malaking deperensiya ay ang kahandaan ng mga bansang ito sa mabilisang pagresponde at pagtulong sa mga mamayan nito.

Dito sa atin ay tradisyunal pa ring problema ang mga di nakahandang evecuation centers, supplies ng pagkain at mga gamot at mga tamang sistema alinsunod sa umiiral nga na pandemya.

Kadalasan pa,atrasado ang response efforts ng national at local government kundi di man ay “band aid” solution ang ipinagkakaloob na aksyon.

Nakakapagtaka lamang dahil ang pagbaha ay di na bago dito sa ating bansa.

Taon taon ay nangyayari ito pero ang pagtugon sa nasabing problema ay talagang malatuba pa rin.

Laging nabubulaga at napeperwisyo di lamang ang mga simpleng mamamayan kundi bagkus pati na ang gobyerno na nagdudulot ng malaking perwisyo sa buhay, kalusugan at ekonomiya ng buong pamayanan.

Isang long range program ang dapat sana’y matagal nang naka-inplace para sa purpose na laban sa pagbabaha.

O dili kaya ay magtalaga ng isang opisina sa DPWH na overall incharged sa flooding.

Ang alam natin,may sangay ang DPWH ni Sec.Mark Villar na responsable sa mga flood control projects ng kagawaran.

Mukhang dapat sibakin ni Villar ang opisyal na namumuno dito dahil sa pagiging inutil.

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com

The post Walang kahandaan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Walang kahandaan Walang kahandaan Reviewed by misfitgympal on Hulyo 26, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.