Iba’t ibang mga probinsiya ang dinayo para sa pag-asiste mula nang manalasa ang COVID-19 PANDEMIC ay isinagawa naman kahapon ang kauna-unahang pagdayo ng ANG PROBINSYANO PARTY LIST (APPL) na tinungo ang BARANGAY TAÑONG, MARIKINA CITY at umasiste sa ilang mga residenteng lubhang naapektuhan ang mga kalusugan at pangkabuhayan.
“There are 14.5 million Filipinos with comorbidity. These people are considered high-risk if they would contract Covid. Which only means that millions would rather to sef-medication than go to hospitals or health centers to get their check-ups. The economic situation also prevent people from seeking medical health care. In response to this need, APPL has started the ‘Alagang Probinsyano Health Service’ in the provinces when the pandemic started. This is our first venture to bring this service in Metro Manila,” pahayag ni APPL REP. ALFRED DELOS SANTOS.
Sa pag-usisa ng mga MEDIA PERSONALITY sa kung bakit napili ni REP. DELOS SANTOS ang MARIKINA CITY bilang kauna-unahang siyudad sa METRO MANILA na kanilang inasistehan ay inihayag nito na nakasama na niya umano sa ilang mga proyekto si MARIKINA CITY MAYOR MARCELINO “MARCY” TEODORO at isa ito sa kaniyang iniidolo dahil sa mahusay na pamamalakad nito sa naturang siiyudad.
Sana, ang APPL ay maging kasangkapan din sa pagbuwag ng kurapsiyon sa gobyerno dahil ang tv program na ANG PROBINSIYANO ay kumakalaban sa mga tiwali na mistulang may mala-AGIMAT ang bida dahil naliligtasan ang mga sakuna.., na dapat ay kayang banggain ng APPL ang mga CORRUPT sa kanilang hanay na animo’y nagtataglay ng AGIMAT na kahit multi-milyong piso ang kinulimbat ay nalulusutan hehehe…, sayang ang salaping milyones na dapat ay natatamasa ng mga naghihirap na lipunan ay pinagtampisawan lamang ng iilang indibiduwal!
***
BALAY TI MANNALON PINASINAYAAN NG DAR
Mainam pa etong si DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM (DAR) SECREYARY BROTHER.JOHN CASTRICIONES ay marami nang nailunsad na ACHIEVEMENT tulad nitong pinasinayaang ang “BALAY TI MANNALON” na laan para sa mga AGRARIAN REFORM BENEFICIARIES (ARB) ng CAGAYAN VALLEY.
“Ang ating mga ARBs ang mga makabagong bayani. Kung wala sila, walang sapat na makakain ang sambayanang Pilipino kung kaya’t nararapat lamang na bigyan sila ng suporta at maayos na akomodasyon kung saan maayos na mapapakinggan ang kanilang mga hinaing, isyu at mga alalahanin,” pahayag ni Brother John.
Ang DAR sa rehiyon na ito ay nagtalaga ng isang lugar kung saan maaaring tanggapin ang mga pumupuntang mga bisita sa opisina at personal silang harapin.
Ayon kay DAR-CAGAYAN VALLEY REGIONAL DIRECTOR SAMUEL SOLOMERO, ang BALAY TI MANNALON ay magsisilbing Isolation Center sa mga walk-in clients na nagnanais ng harapang pakikipagtransaksyon sa opisina. Ang mga kliyente ay haharapin ng mga nakatalagang empleyado o officer-of-the-day sa gusaling ito.
Ang Isolation Center ay may air-condition at may state-of-the-art na pasilidad. Ito ay dating DAR Guest House na ipinaayos noong panahon na mataas ang kaso ng pandemya. Ang gusaling ito ay inihandog para sa mga ARBs sa pamamagitan ng masigasig na suporta ni BRO JOHN at sa liderato ni SOLOMERO.
Unang ginamit ang gusali sa pamamahala ng oath-taking ceremony ng apat (4) na bagong promote na Division Chiefs at 32 Municipal Agrarian Reform Program Officer sa rehiyon na pinangunahan ni SEC. CASTRICIONES!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.
The post Ang Probinsiyano dumayo sa Marikina City appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: