Facebook

BBQ vendor, patay sa atake nang iposas ng Traffic Enforcer

Binawian ng buhay ang isang barbeque vendor nang posasan ng traffic enforcer sa Brgy. Caypombo sa bayan ng Sta. Maria Bulacan nito lamang Hulyo 1 2021.

Kinilala ang biktima na si Angelito Alcantara, 47 anyos, barbeque vendor, residente ng Km. 37 Brgy. Pulong Buhangin Sta. Maria Bulacan.

Sa ulat, pauwi na ang biktima kasama ang kanyang asawa na namili ng paninda sa palengke nang harangin sila ng traffic enforcer na si Mario Domingo “Alyas Bangis”, kung saan hinanap ito ng lisensya at rehistro ng minamanehong motorsiklo.

Ayon sa report, pumayag si Alcantara, na i-impound ang kanyang motor subali’t pilit na kinukuha ng enforcer ang susi nito na tumanggi naman ang biktima dahilan para iposas siya ni Domingo.

Nakiusap naman ang asawa ng biktima na huwag ng iposas ang kanyang asawa dahil may sakit ito sa puso, bagay na hindi pinakingan ng enforcer, na naging sanhi pagkamatay ni Alcantara.

Samantala sinampahan na ng kasong homicide sa Piskal office sa Domingo na kasalukuyang nakakulong sa Sta Maria Municipal Jail. (Thony D. Arcenal)

The post BBQ vendor, patay sa atake nang iposas ng Traffic Enforcer appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
BBQ vendor, patay sa atake nang iposas ng Traffic Enforcer BBQ vendor, patay sa atake nang iposas ng Traffic Enforcer Reviewed by misfitgympal on Hulyo 03, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.