Facebook

Mga grupo ng civil society nananawagan ng pagkakaisa at itakwil ang pamumulitika

ISANG movement ang inilunsad ngayon ng iba’t ibang samahan at Leaders of Ikaw Muna, (IM) Pilipinas sa buong bansa ang isang movement ng sectoral groups, civil society organization, religious groups, academe, fraternities at dating local officials ang isang movement para hikayatin si Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno para lumahok sa presidential reace sa 2022 election.

Sinabi ng naturang grupo nangangailangan ngayon ang bansa ng bagong Presidente gaya ni Yorme (Mayor Isko Moreno) upang malutas ang pagkakahati-hati at itakwil ang pamumulitika sa bansa na ilang dekada na sa bansa.

Sa kanyang opening message, sinabi ni dating MMDA General Manager at IM Pilipinas na nanguna sa convenor Tim Orbos sinabi nito na si “Yorme” (Mayor Isko) ay inilarawan niya na may kapasidad at handang lutasin ang problema ng bansa.

Ayon pa kay Orbos ang labis na pamumulitika sa bansa ay nagdadala lamang sa pagkakahati-hati.

At sinabi nito na kailangan ng bansa ang isang leader na may tapang na lutasin ang mga problema ng bansa at harapin ang social at economic na epekto dulot ng pandemya.

“Napakabigat ang babalikatin nang susunod na Pangulo ng bansa dahil sa mapanirang bunga ng pandemya sa buhay ng bawat Pilipino. Mabilis na rin nagbago ang mundo dala ng pagsulong ng teknolohiya. Wala nang panahon ang Pilipinas para sa mga mapanghating pulitika kailangan iisang bangka tayo na sumasagwan sa iisang direksyon, sa tulong ng isang pinuno na may direksyoni tulad ni Mayor Isko,” ayon kay Orbos.

Samantala kaugnay nito sinabi naman ni Fr. Ranhilio Aquino, Dean of the Graduate School of Law of the San Beda College at miyembro ng Duterte Administrasyon Constitutional Commission (Concom) na nag-reviewed ng 1987 Constitution at dinala ang recorded video message para sa IM Pilipinas na nagsabing “I do not know Mayor Isko Moreno personally at sinabing ang abilidad ng alkalde para maabot ang mga tao ng taga Manila at magawa ang kanyang trabaho bilang alkalde ng lungsod.”

Ayon pa sa naturang grupo isinusulong nito ang paghikayat para lumahok si Mayor Isko Moreno sa 2022 election.(Boy Celario)

The post Mga grupo ng civil society nananawagan ng pagkakaisa at itakwil ang pamumulitika appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mga grupo ng civil society nananawagan ng pagkakaisa at itakwil ang pamumulitika Mga grupo ng civil society nananawagan ng pagkakaisa at itakwil ang pamumulitika Reviewed by misfitgympal on Hulyo 03, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.