ANG Department of Health (DOH) ay nakapagtala ng 5,908 na karagdagang kaso ng COVID-19.
Samantala ay mayroon namang naitalang 7,698 na gumaling at 90 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.8% (53,665) ang aktibong kaso, 94.5% (1,351,691) na ang gumaling, at 1.75% (25,063) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong July 1, 2021 habang mayroong 5 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 5 labs na ito ay humigit kumulang 2.2% sa lahat ng samples na naitest at 2.9% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: https://ift.tt/3kEXxbI. (ANDI GARCIA)
The post 5,908 NA DAGDAG KASO NG COVID-19, NAITALA appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: