PATAY ang isang barangay tanod nang pagbabarilin habang nagpapahinga sa duyan sa minamanduhang checkpoint sa Sinait, Ilocos Sur.
Kinilala ang biktima na si Jenny Sarte, tanod ng Barangay Sapriana, Sinait.
Sa ulat, nagtamo ng mga tama ng mga bala sa mukha at katawan ang biktima.
Natutulog ang biktima sa duyan nang lapitan at pagbabarilin at naglakad lang palayo ang salarin.
Dahil sa nangyari, itinigil muna ng barangay ang kanilang checkpoint.
Walang maisip na dahilan ang mga opisyal ng barangay sa posibleng motibo sa krimen.
Samantala, sinabi ng pulisya na batay sa kuwento ng pamilya ni Sarte, nasangkot noon sa insidente ng pananaksak ang biktima pero matagal na panahon na iyon.
The post Bgy. tanod binaril habang tulog sa duyan appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: