NASAWI ang 3 magkakaangkas sa motorsiklo nang sumalpok sa isang bus sa San Jose del Monte City, Bulacan.
Kinilala ang isa sa mga nasawi na si Edward Tan, 28 anyos, angkas sa likod. Ang dalawa pa sa mga namatay ay kapwa menor de edad.
Sa report, lasing ang mga biktima na sumakay sa isang motorsiklo at mabilis na tumakbo sa Barangay Bagong Buhay 2.
Sumalpok ang motorsiklo sa isang pampasaherong bus na byaheng Sapang Palay.
May edad na 17-anyos ang lalaking nagmamaneho ng motorsiklo, habang 14-anyos ang babaeng angkas sa gitna.
Ayon sa ina ng babaeng biktima, uminom ang kanyang anak at nagpaalam na lalabas. Sinundo ito ng mga kaibigan mag-11:00 ng gabi.
Ayon sa kapitana ng barangay, madalas may nagkakarera ng motorsiklo sa kanilang lugar.
Hawak ng pulisya ang driver ng bus para sa imbestigaston.
The post 3 patay sa salpukan ng motorsiklo at bus appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: